Street Journal Multimedia Services

Region 4

1650 near poor sector receive cash aid from AKAP in Quezon

Region 4

By Danny Estacio TIAONG Quezon -About 1650 sector of near-poor, they are workers receiving minimum wage are recipients of the Ayuda Para  Sa Kapos Ang Kita Program (AKAP), a new program of the national government, received cash assistance during payout at Tiaong Convention Center and Villa Escudero Plantation and Resort on Thursday, Aug 8, here. The AKAP is in partnership with the Department of Social Welfare and Development, House of Representatives under the leadership of House Speaker Martin Romualdez, Deputy Speaker David Suarez, and ALONA Partylist Representative Anna V. Suarez. Deputy House Speaker Suarez supervised the payout conducted by the DSWD regional office. The 1500 are workers from various private business establishments in this town and the 150 are workers of the Villa Escudero Plantation and Resort. The beneficiaries of the private establishment asked permission from their employers to personally claim the cash assistance of P5000, while Suarez personally came to the resort’s workers of Escudero to deliver the aid. Suarez was welcomed by resort owner Rosalie Escudero who expressed thanks to the government’s gesture in helping the near poor to be imparted on the amelioration program of President Bongbong Marcos. The Quezon solon was accompanied by municipal councilors Maja Escueta, Recrec Baldeo, Jonas Atienza, Rex Bautista, Tom Ilao, and SK president Kenneth Obispo. Suarez advised the recipients to spend the money for family needs at least to lessen the burden on family expenditures. Though the near poor have work but receive salaries under minimum wage and because of increasing prices of basic commodities, their income is being affected and insufficient to support the family expenses, Suarez said.

Quezon mayor seeks re-election bid in 2025

Region 4

By Danny Estacio CANDELARIA, Quezon – Incumbent Municipal Mayor George Suayan announced here on Wednesday his seeking re-election in 2025. Suayan made his statement during a press conference following his final decision to seek his second term. His challenger is his uncle-in-law’s incumbent Vice Yayor Macario Boonggaling, uncle of Emma, wife of the mayor. The 2025 mayoral election is seen as the battle between Emma’s family. Emma’s family is known as being a rich clan in this town. Emma said though it is a family political battle she is avoiding consequences that will affect the relationship between her husband and her family” Family is family” Emma assured. Suayan is focusing on his next term for cityhood to which he already prepared the necessary prerequisites to turn a town into a city. He also dreams of establishing a state college and constructing a new municipal hall. The old municipal hall will be used by the state college which is run by the local government unit. He started for good governance, and better public and social services directly to the “common tao ” dubbed as “garantisadong serbisyo, diretso sa tao”, to feel the presence of government services. As of this development, this town is one of the nominated for Seal of Good Local Governance (SGLG) 2024 at the national level, Suayan announced.        

Public school basic education students in Tiaong, Quezon  impart with free school supplies 

Region 4

By Danny Estacio TIAONG, Quezon – The intermediate and primary learners from Cabay Elementary School,Tiaong East Elementary School, San Juan Elementary School and Claro M. Recto Memorial Central School with total enrolment of 3,358 were recipients of free school supplies given by Mayor Vincent Arjay Mea distributed to them during the school opening on Monday and Tuesday, July 29 and 30. Mayor Mea  personally handed the school supplies on two days distribution which he imparted and his support to the Department of Education (DepEd). Mea was accompanied by Sangguniang Bayan members led by vice mayor Rhoderick Umali, Barangay officials, Parents – Teachers Association officers and his family. He reminded the students to study hard, prayerful and respect their teachers and classmates. He assured that  he will accomplished as soon as soonest possible time the repair of defective classrooms under “zero backlog” program of the 35 schools from 31 barangays before the end of school year 2024-2025. He also added his request of additional 96 classrooms to meet the backlogs to Department of Education secretary Sonny Angara and he is optimistic the positive response in addressing the shortage. The school supplies is purchased by Mea personal fund.

Fishermen in Quezon affected by Typhoon Carina provided relief aid

Region 4

By Danny Estacio GENERAL LUNA, Quezon – Fisher folks and their families who were affected by typhoon Carina in this town were provided by the local government with family food packs delivered on Friday, July 26. Mayor Matt Erwin Florido handed them to the fishermen of Barangay San Isidro Ibaba, Poblacion 1, 8, Bacong Ibaba, Bacong Ilaya, and Sta. Maria Ibaba all coastal villages in this town as relief assistance of the government after he coordinated with the Department of Social Welfare and Development office. The fishermen were not allowed to go fishing because of bad weather brought by typhoons Carina and Habagat. “Dahil sa masamang panahon, malakas ang dagat at epekto ng bagyong Carina, sa mga nakalipas na araw at hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin sila nakakalaot sa dagat upang makapangisda”, Florido said. He reminded the fishermen to stay for the meantime at home until the sea condition is back to normal, also he expressed thanks to the DSWD for the support.    

Quezon 4th at 3rd districts private school teachers, personnel tumanggap ng AKAP ayuda kay Rep. Alona 

Region 4

By Danny Estacio QUEZON- Mahigit sa 1,260 mula sa sektor ng edukasyon mula pribadong paaralan ng teaching at non-teaching  mula sa Quezon 4th at 3rd district na ibinilang sa Ayuda Para sa Kapos (AKAP) ang biyayaan mula sa pondo ni Alona Partylist Representative Anna Villaraza- Suarez na isinagawa sa dalawang magkasunod na araw nitong Hulyo 24 at 25.  Sa Quezon 4th district na may 761 guro at empleyado ang tumanggap ng ayuda, noong Hulyo 24, gayung noong Hulyo 25 ay nasa 500 naman mula sa Quezon 3rd district noong Hulyo 25. Tumanggap sila ng tig-P6000, na sa orihinal ng halaga ay P3,000 lamang. “dahil sa mahal ko ang mga guro at kawani ng pribadong paaralan ay dinoble ko ang ayuda.” ayon kay Suarez. Ang payout para sa Quezon 4th district ay ginanap sa gymnasium ng Gumaca Bishop’s palace na sinamahan nina mayor Webster Letargo ng Gumaca, mayor Matt Erwin Florido ng Gen.  Luna , Gumaca councilors Juancho Mercurio at GJ Ylagan. Ang Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay inilunsad upang suportahan ang mga “near poor” na Pilipino na nasa panganib na muling sumadsad sa kahirapan dahil sa mga pang-ekonomiyang pagbabago, kabilang ang mga minimum wage earners at mga sambahayan na nakalabas na sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na nangangailangan ng safety net tulad ng AKAP. Ayon kay Rep. Suarez ang kanyang buong pondo sa AKAP ay inilaan niya sa nasabing sektor ng pribadong sektor na kapag bakasyon ang klase ay tigil din ang kita mula sa paaralan pinaglilingkuran nila. ’Service to the people transcends politics. I sincerely believe that education is the key to progress. As partners of nation-building, the private school teachers and personnel should also be included in the AKAP program of the DSWD, giit pa niya. Pagtitiyak pa ng kongresista na patuloy niyang susuportahan ang mga teachers and personnel mula sa pribadong sektor ng edukasyon, higit nitong patatagin ang edukasyon para sa mag-aaral ng buong probinsya ng Quezon. Sa buong Quezon ay may mahigit 3,310 mula sa nasabing sektor ang kabilang sa AKAP para sa private school teachers and personnel program na pinaglaanan ng pondo nasa mahigit sa P19 milyon.  Sa Quezon 3rd district naman ay isinagawa nitong Hulyo 25 sa Catanauan Quezon.

Apat katao namatay sa landslide,Batangas isinailalim sa State of Calamity

Region 4

By Danny Estacio LALAWIGAN NG BATANGAS— Kinumpirma ng Municipal Disaster Risk reduction and Management Council, na isang pamilya na kinabibilangan ng apat na katao ang nasawi sa landslide matapos matabunan ang kanilang bahay sa Sitio Manalao, Barangay Subic Ilaya, Agoncillo, Batangas, noong Hulyo 24. Nabatid na nauna ng isinailalim sa State of Calamity ang lalawigan ng Batangas,dahil sa mga pagbaha sa maraming bayan, dulot ng patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan at hangin ng bagyong Carina. Ayon sa Agoncillo MDRRMO, ang mga biktima ay miyembro ng pamilya Rimas – isang 28-anyos na anim na buwang buntis at tatlong menor de edad na edad 9, 13, at 15. Agad naman narekober ang mga labi ng biktima, ayon sa MDRRMO. Nagpaabot ng suporta ang MDRRMO, pulisya, Bureau of Fire Protection, Municipal Health Office, at Municipal Social Welfare and Development Office sa pamilya ng mga biktima. Agad ding inilikas ang iba pang pamilya na nakatira malapit sa pinangyarihan ng insidente. Agad din bumisita si Vice Governor Mark Leviste sa mga kaanak ng mga biktima ng landslide kanin ang umaga sa Sitio Manalao, Subic Ilaya, Agoncillo, Batangas. Kasabay ng kanyang taos pusong pakikiramay ay ang tulong pinansyal na iniabot nya sa pamilya Rimas. Kasama ni Vice Governor  Leviste sa pagbisita sa mga iba’t ibang evacuation center si MDRRMO Officer Junfrance De Villa, kinatawan ng MSWDO Shiela Guevarra at iba pang mga opisyales, para siguraduhin na mabigyan ng atensyon at pangangailanganng mga apektado ng bagyo. Iniulat naman ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council na apng padeklara ng state of calamity noong Hunyo 23, ay kaugnay sa ilang munisipalidad sa lalawigan ang binaha dahil sa walang tigil na pag-ulan. Binaha ang mga bayan ng Lemery, Agoncillo, at Balayan dahil sa tubig-baha mula sa mga kal apit na bayan. Sa Lemery, maraming sasakyan ang na-stranded dahil tanging mga trak at bus lamang ang maaaring dumaan sa binahang diversion road. Sa Balayan, naapektuhan ng tubig baha hanggang tuhod ang mga bahay sa Barangay Caloocan, Lanatan, Ermita, at Barangay 11. Photo Courtesy from Agoncillo FB

AKAP para sa mga private teachers at employees inilunsad sa Quezon

Region 4

By Danny Estacio LUCBAN, Quezon – “Para sa Matatag na Edukasyon: AKAP Para Sa Mga Private School Teachers and Personnel Inulunsad nina Rep. Anna Villaraza Suarez at Deputy Speaker David “Jay-Jay” Suarez ng District 2, Quezon Province” Pinamunuan ni Alona Party List Representative Anna Villaraza-Suarez at ni Deputy Speaker David “Jay-Jay” Suarez ang pagbahagi ng Ayuda Para Sa Kapos Ang Kita (AKAP) sa mga guro at school personnel mula sa pribadong sektor ng edukasyon sa buong probinsya ng Quezon. Ito ay sa pakikipagtulungan sa Department of Welfare and Development (DSWD). Ang pribadong sektor ng edukasyon ay patuloy na nakakaranas ng mababang enrolment ng mga mag-aaral sa kabila ng pumuputok na silid-aralan sa pampublikong paaralan dahil sa mataas na bilang ng mag-aaral nito. Ang pribadong sektor ay patuloy na naghahatid ng quality education sa mga mag-aaral nito sa gitna ng mga pagsubok nitong kinahaharap tulad ng mababang pasahod. Mas nanaig sa kanila ang makapagbahagi ng kanilang mga nalalaman at maiangat ang antas ng edukasyon ng mga mag-aaral para sa bagong Pilipinas. Naniniwala sina Alona Party List Representative Anna Villaraza-Suarez at ni Deputy Speaker David “Jay-Jay” Suarez na panahon na patuloy nitong suportahan ang mga teachers and personnel mula sa pribadong sektor ng edukasyon. Higit nitong patatagagin ang edukasyon para sa mag-aaral ng buong probinsya ng Quezon. Mahigit 3,310 mula sa pribadong sektor ng edukasyon o higit P19M ang ibabahagi sa mga benipisyaryo sa buong probinsya ng Quezon kasama ang mga nasa malalayong lugar sa Quezon tulad ng Real, Infanta, Nakar, Polilio Group of Islands at Alabat Island. Ayon kay Alona Party List Congresswoman Anna Villaraza-Suarez, “Service to the people transcends politics. I sincerely believe that education is the key to progress. As partners of nation building, the private school teachers and personnel should also be included in the AKAP program of the DSWD.” Inilunsad ni ALONA Partylist Rep. Anna V. Suarez ang AKAP para sa private school teachers at employees sa Quezon na ginanap sa Kamay ni Hesus shrine gymnsium sa Lucban, Quezon nnong Hulyo 23.

2,000 benepisyaryo tumanggap ng AKAP sa Quezon

Region 4

By Danny Estacio   LUCENA CITY, Quezon– Umabot sa 2000 kabilang sa tinaguriang near poor sector na mga manggagawa sa restaurants, food chains, beauty salons, funeral parlors, motor shops, media at iba pa na tumatanggap ng hindi sapat na sahod kada buwan ang inisyal na benepisyaryo ng bagong programa ng gobyerno na tinawag na Ayuda para Kapos ang Kita Program (AKAP) na inilunsad sa siyudad na ito. Si House Deputy Speaker David C. Suarez ang nangasiwa sa payout na ipinatupad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) regional office nitong Hulyo 18 at 19 na ginanap sa STI gymnasium. Ang mga benepisyaryo ay pawang mga residente ng siyudad na pumasa sa itinakdang resikitos ng DSWD. Ang bawat isa sa kanila ay tumanggap ng tig-P5,000 na may kabuuang halaga na aabot sa P10 milyon. Ayon kay Suarez nadiskubre nila sa Kongreso ang programa sa panahong ng kanilang deliberasyon ng national budget noong 2023 na may sektor na hindi nabibigyan ng tulong mula sa pamahalaan nasyonal at tanging mga benepisyaryo lamang ng TUPAD  (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers at Aid to Individuals in Crisis Situation (AICS) ang nabibigyan ng ayuda mula sa national government, na kung tawagin  ay poorest of the poor, sapagkat sila ang nakadisenyo sa programa ng ayuda na mas higit na nangangailangan, ayon kay Suarez. At dahil sa hiyawan ng mga manggagawa na kapos ang kita sa tuwing may pagkakaloob ng ayuda para sa dalawang naturang benepisyo at dito nadiskubre ang bagong sektor na ito na tinawag na AKAP. Ito ang sektor ng near poor, sila ay may trabaho subalit kulang ang kinikita upang ipangtustos sa kanilang pang-araw-araw na gastusin sa  bahay at sa pamilya,ayon pa kay Suarez. Inilunsad sa Lucena City ang AKAP at kasunod nito ay sa mga bayang ikalawang distrito ng Quezon, Sariaya, Candelaria, Tiaong, San Antonio, at Dolores at ipararating din sa maging sa buong lalawigan sa pamamagitan ng Alona Partylist Representative Anna V. Suarez. Naisakatuparan ang programang ito sa paglalaan ng pondo ng Kongreso sa pamamagitan ni House Speaker Martin Romualdez base sa social services program ni Pangulong Bongbong Marcos.

Tayabas City target maging Smart City ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso

Region 4

By Danny Estacio TAYABAS CITY, Quezon- iniulat ni City Mayor Lovelyn Reynoso-Pontioso ang kaniyang nagampanan nitong 2023 sa taunang city state of the city address (SOCA)  na ginanap sa Atrium ng New City Hall noong Hulyo 13. “Simula ng mapalipat sa aking balikat ang mabigat na tungkulin bilang isang Punong Lungsod ay buong pusong inilaan ko ang aking sarili sa pagpapatuloy  ng Serbisyong Reynoso sa gabay ng Gobyernong may Puso o acronym na H-E-A-R-T: Health, Edukasyon at Ekonomiya,Agrikultura, Resources, Turismo, Transportasyon at Teknolohiya”., ayon kay Reynoso-Pontioso sa pambungad nitong mensahe. Sa pangkalusugan ang pagpapatuloy ng “SweetHeart Club” upang pangalagaan ang kalusugan ng ating mga Tayabasin may diabetes at sakit sa puso. Gayundin ang pangangalaga sa mga buntis hanggang sa panganganak, pag-iwas at pagkontrol sa iba’t ibang karamdaman, pagkakaloob ng salamin sa mata at iba pang mga serbisyong pangkalusugan at nagdagdag ng doctor,” kaakibat nito ang mga programa at proyekto upang patuloy na isaayos ang mga pasilidad at kagamitan upang higit na mapagbuti ang paglilingkod sa ating mga kababayang higit na nangangailangan”, ayon pa sa alkalde. Dagdag pa dito ang pinaigting sa 66 na barangay na malalayo at liblib sa Lungsod ng Tayabas ang pagbibigay ng serbisyong medikal sa inilunsad na Mobile Health and Medical Emergency Response Team (MH-MERT) sa pamamagitan ng Mobile Clinic, at nasa mahigit sa 29,000 ang nabiyayaan ng free medical consultations, medications at tumanggap ng iba’t ibang laboratory services, kasabay ng paglulunsad ng Operation Minor Bukol, Tayabas XL Club, Snakebite Assistance Center, Serbisyong Reynoso Medical Assistance Program o ang tinatawag na SRMAP, Gandang Walang Kupas o ang Menopause Wellness Club, at Bulilit Health Workers. Pinarangalan bilang Most Outstanding Performance Award in Oral Health Care Management mula sa Department of Health – Center for Health Development Region IV-A(CALABARZON). Isa sa 10 lungsod sa Pilipinas na kinilala bilang Consistent Regional Outstanding Winner on Nutrition (CROWN) Award para sa taong 2019, 2021 at 2022 sa ginanap na 2023 National Nutrition Awarding Ceremony sa Manila Hotel. Kinilala bilang Overall Best Performing Local Government Unit in Health 2023 ng Quezon provincial government. Gayundin ang Gawad AMHOP (Association of Municipal Health Officer of the Philippines) 2024, isang parangal sa Pagiging Malikhain sa Pagagapay sa Pagbabago sa Larangan ng Kalusugan (Most Innovative Award) bilang pagkilala sa programa at proyekto ng MHMERT. Bukod pa ang Plaque of Recognition bilang Nutrition Champion City Nutrition Committee mula kay Quezon Governor Kgg.Angelina “Doktora Helen” Tan sa isinagawang awarding sa ” Barangay Nutrition Scholar Convention 2024 sa Quezon Convention Center, sa Lucena City. Sa larangan ng edukasyon, ipinagpatuloy ang improvement ng Colegio de la Ciudad de Tayabas na may 800 estudyante ang kasalukuyang iskolar ng Serbisyong Reynoso na nag-aaral base sa curricular programs katulad ng Bachelor of Culture and Arts Education, Bachelor of Science in Computer Science, Bachelor of Science in Entrepreneurship at Bachelor of Science in Tourism Management. “Bilang Tagapangulo ng Local School Board ng Lungsod ng Tayabas ay aking pinasinayaan ang pagtatayo ng Tayabas City National High School (TCNHS) sa Barangay Lakawan at Talolong Integrated School sa Barangay Talolong”. Maraming Tayabasin at karatig lugar ang nasasabik sa pagbubukas ng modernong Satellite Market na itinayo sa Barangay Wakas na ginugulan ng lokal na pondo na dagdag kasiglahan sa ekonomiya,ayon sa Alkalde. Base sa datus ng Office of the Provincial Planning and Development Coordinator- Quezon, pumangalawa ang Tayabas City sa Top 5 Local Government Unit (LGU) with most new businesses mula noong 2021 hanggang 2024 na nakapagtala ng mahigit sa 1500 na mga bagong binuksan at nairehistrong negosyo. “At ang pagbubukas ng Mother’s Wonderland sa bahagi ng Barangay Calumpang sa publiko ay di kalaunan ay dadagsain mula sa mga kalapit bayan at lalawigan”, dagdag pa ni Pontioso. Ayon pa sa kaniya na upang mapaunlad ang pamumuhay ng ating mga kababayan ang Lokal na Pamahalaan ay patuloy na sumusuporta sa Sustainable Livelihood Program sa pamamagitan ng Business Management Skills Development Training at Self-Employment Assistance Program o mas kilala bilang Pahiram Puhunan. Nagkakaroon ng Pahiram Puhunan upang mabigyan sila ng pagkakataon na magkaroon ng pagkakakitaan o hanapbuhay. Ang karaniwang benepisyaryo ng programa ang mga may-ari ng Sari-Sari Store, Canvassers at naglalako ng mga pagkain sa lansangan. Ang Tayabas Community Multi-Purpose Cooperative ang nangunguna sa mga ito batay sa laki ng assets na umabot sa mahigit sa isang bilyong piso. Sa taong 2023 ang Lokal na Pamahalaan ng Tayabas ay naglaan ng P4 -milyon  bilang Cooperative Capital Assistance Program sa tatlong kooperatiba bilang dagdag kapital o puhunan na tinanggap ng Tayabas City Transport Service and MultiPurpose Cooperative, Tayabas Community Multi-Purpose Cooperative at Government Employees of Tayabas Multi-Purpose Cooperative. Gayundin ang Gender and Development Capital Assistance Program na pinondohan ng halagang P2,480,000.00 at ang pagkakaloob ng 18 Brand New Heavy-Duty Sewing Machines sa labingwalong kababaihang miyembro o kamay-ari ng kooperatiba na engaged in the textile/garment business. Matagumpay ding naisagawa ang 22 full qualification and non-qualification livelihood trainings sa pakikipagtulungan ng TESDA at  565 ns residente ang naging benepisyaryo. Ang Tayabas City ay may maunlad na Agrikultura upang tiyakin ang seguridad ng pagkain. Kaya sa pamamagitan ng Office of the City Agriculturist walang humpay ang pamamahagi ng mga binhi, biik, kalabaw at kagamitang pansaka upang panatilihin ang kalidad at mataas na produksyon. Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng Ulang, Tilapia at Ornamental Fingerlings sa mga Fish Farmers sa Lungsod ng Tayabas. Gayundin ang farm machinery gaya tractors at rice thresher, distribution of fruit-bearing seedlings, native pigs and native chickens, corn and fertilizer dispersals, saad pa ni Pontioso. Ipinagmalaki din ng alkalde ang Tayabas City na kinilala  bilang “Home of Culture and the Arts of Quezon Province” ng Quezon government noong taong 2019. “Nakamit ang pagkilalang ito sapagkat kung inyong mapapansin ay napakarami nating makasaysayang cultural landmarks, tradisyon at malikhaing-sining maging teatro, pagkanta at pagpinta na cultural at historical appropriate sa lahat kaagapay ang Tayabas Culture and Arts Office at mga non-government organizations tulad ng Susi ng Tayabas,SICAP at iba pa ”ani ni Pontioso. Iniult pa niya na naging matagumpay ang Mayohan Festival 2024 na nakapagtala ng mahigit sa 174,000 na same-day tourist arrivals at nasa 33,000

Scroll to Top