By Danny Estacio
TAYABAS CITY, Quezon- iniulat ni City Mayor Lovelyn Reynoso-Pontioso ang kaniyang nagampanan nitong 2023 sa taunang city state of the city address (SOCA) na ginanap sa Atrium ng New City Hall noong Hulyo 13.
“Simula ng mapalipat sa aking balikat ang mabigat na tungkulin bilang isang Punong Lungsod ay buong pusong inilaan ko ang aking sarili sa pagpapatuloy ng Serbisyong Reynoso sa gabay ng Gobyernong may Puso o acronym na H-E-A-R-T: Health, Edukasyon at Ekonomiya,Agrikultura, Resources, Turismo, Transportasyon at Teknolohiya”., ayon kay Reynoso-Pontioso sa pambungad nitong mensahe.
Sa pangkalusugan ang pagpapatuloy ng “SweetHeart Club” upang pangalagaan ang kalusugan ng ating mga Tayabasin may diabetes at sakit sa puso.
Gayundin ang pangangalaga sa mga buntis hanggang sa panganganak, pag-iwas at pagkontrol sa iba’t ibang karamdaman, pagkakaloob ng salamin sa mata at iba pang mga serbisyong pangkalusugan at nagdagdag ng doctor,” kaakibat nito ang mga programa at proyekto upang patuloy na isaayos ang mga pasilidad at kagamitan upang higit na mapagbuti ang paglilingkod sa ating mga kababayang higit na nangangailangan”, ayon pa sa alkalde.
Dagdag pa dito ang pinaigting sa 66 na barangay na malalayo at liblib sa Lungsod ng Tayabas ang pagbibigay ng serbisyong medikal sa inilunsad na Mobile Health and Medical Emergency Response Team (MH-MERT) sa pamamagitan ng Mobile Clinic, at nasa mahigit sa 29,000 ang nabiyayaan ng free medical consultations, medications at tumanggap ng iba’t ibang laboratory services, kasabay ng paglulunsad ng Operation Minor Bukol, Tayabas XL Club, Snakebite Assistance Center, Serbisyong Reynoso Medical Assistance Program o ang tinatawag na SRMAP, Gandang Walang Kupas o ang Menopause Wellness Club, at Bulilit Health Workers.
Pinarangalan bilang Most Outstanding Performance Award in Oral Health Care Management mula sa Department of Health – Center for Health Development Region IV-A(CALABARZON).
Isa sa 10 lungsod sa Pilipinas na kinilala bilang Consistent Regional Outstanding Winner on Nutrition (CROWN) Award para sa taong 2019, 2021 at 2022 sa ginanap na 2023 National Nutrition Awarding Ceremony sa Manila Hotel.
Kinilala bilang Overall Best Performing Local Government Unit in Health 2023 ng Quezon provincial government.
Gayundin ang Gawad AMHOP (Association of Municipal Health Officer of the Philippines) 2024, isang parangal sa Pagiging Malikhain sa Pagagapay sa Pagbabago sa Larangan ng Kalusugan (Most Innovative Award) bilang pagkilala sa programa at proyekto ng MHMERT.
Bukod pa ang Plaque of Recognition bilang Nutrition Champion City Nutrition Committee mula kay Quezon Governor Kgg.Angelina “Doktora Helen” Tan sa isinagawang awarding sa ” Barangay Nutrition Scholar Convention 2024 sa Quezon Convention Center, sa Lucena City.
Sa larangan ng edukasyon, ipinagpatuloy ang improvement ng Colegio de la Ciudad de Tayabas na may 800 estudyante ang kasalukuyang iskolar ng Serbisyong Reynoso na nag-aaral base sa curricular programs katulad ng Bachelor of Culture and Arts Education, Bachelor of Science in Computer Science, Bachelor of Science in Entrepreneurship at Bachelor of Science in Tourism Management.
“Bilang Tagapangulo ng Local School Board ng Lungsod ng Tayabas ay aking pinasinayaan ang pagtatayo ng Tayabas City National High School (TCNHS) sa Barangay Lakawan at Talolong Integrated School sa Barangay Talolong”.
Maraming Tayabasin at karatig lugar ang nasasabik sa pagbubukas ng modernong Satellite Market na itinayo sa Barangay Wakas na ginugulan ng lokal na pondo na dagdag kasiglahan sa ekonomiya,ayon sa Alkalde.
Base sa datus ng Office of the Provincial Planning and Development Coordinator- Quezon, pumangalawa ang Tayabas City sa Top 5 Local Government Unit (LGU) with most new businesses mula noong 2021 hanggang 2024 na nakapagtala ng mahigit sa 1500 na mga bagong binuksan at nairehistrong negosyo.
“At ang pagbubukas ng Mother’s Wonderland sa bahagi ng Barangay Calumpang sa publiko ay di kalaunan ay dadagsain mula sa mga kalapit bayan at lalawigan”, dagdag pa ni Pontioso.
Ayon pa sa kaniya na upang mapaunlad ang pamumuhay ng ating mga kababayan ang Lokal na Pamahalaan ay patuloy na sumusuporta sa Sustainable Livelihood Program sa pamamagitan ng Business Management Skills Development Training at Self-Employment Assistance Program o mas kilala bilang Pahiram Puhunan.
Nagkakaroon ng Pahiram Puhunan upang mabigyan sila ng pagkakataon na magkaroon ng pagkakakitaan o hanapbuhay.
Ang karaniwang benepisyaryo ng programa ang mga may-ari ng Sari-Sari Store, Canvassers at naglalako ng mga pagkain sa lansangan.
Ang Tayabas Community Multi-Purpose Cooperative ang nangunguna sa mga ito batay sa laki ng assets na umabot sa mahigit sa isang bilyong piso.
Sa taong 2023 ang Lokal na Pamahalaan ng Tayabas ay naglaan ng P4 -milyon bilang Cooperative Capital Assistance Program sa tatlong kooperatiba bilang dagdag kapital o puhunan na tinanggap ng Tayabas City Transport Service and MultiPurpose Cooperative, Tayabas Community Multi-Purpose Cooperative at Government Employees of Tayabas Multi-Purpose Cooperative.
Gayundin ang Gender and Development Capital Assistance Program na pinondohan ng halagang P2,480,000.00 at ang pagkakaloob ng 18 Brand New Heavy-Duty Sewing Machines sa labingwalong kababaihang miyembro o kamay-ari ng kooperatiba na engaged in the textile/garment business.
Matagumpay ding naisagawa ang 22 full qualification and non-qualification livelihood trainings sa pakikipagtulungan ng TESDA at 565 ns residente ang naging benepisyaryo.
Ang Tayabas City ay may maunlad na Agrikultura upang tiyakin ang seguridad ng pagkain.
Kaya sa pamamagitan ng Office of the City Agriculturist walang humpay ang pamamahagi ng mga binhi, biik, kalabaw at kagamitang pansaka upang panatilihin ang kalidad at mataas na produksyon.
Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng Ulang, Tilapia at Ornamental Fingerlings sa mga Fish Farmers sa Lungsod ng Tayabas. Gayundin ang farm machinery gaya tractors at rice thresher, distribution of fruit-bearing seedlings, native pigs and native chickens, corn and fertilizer dispersals, saad pa ni Pontioso.
Ipinagmalaki din ng alkalde ang Tayabas City na kinilala bilang “Home of Culture and the Arts of Quezon Province” ng Quezon government noong taong 2019.
“Nakamit ang pagkilalang ito sapagkat kung inyong mapapansin ay napakarami nating makasaysayang cultural landmarks, tradisyon at malikhaing-sining maging teatro, pagkanta at pagpinta na cultural at historical appropriate sa lahat kaagapay ang Tayabas Culture and Arts Office at mga non-government organizations tulad ng Susi ng Tayabas,SICAP at iba pa ”ani ni Pontioso.
Iniult pa niya na naging matagumpay ang Mayohan Festival 2024 na nakapagtala ng mahigit sa 174,000 na same-day tourist arrivals at nasa 33,000 overnight stay tourist arrivals ang nakuhang datos ng buong festival lalo na noong Grand Parade.
Tinanggap din noong Enero 29, 2024 ang ng Plaque of Recognition para sa CALABARZON Tourism Excellence Appreciation 2023.
Dagdag pa ni Pontioso pagkilala nito sa makabuluhang kontribusyon ng mga samahan,maging pribadong sektor at LGUs sa pag-unlad ng turismo sa rehiyon.
“Naging makabuluhan at makulay ang mga pagdiriwang na ito sa pamamagitan ng inyong pakikiisa at suporta. Ang inyong mga ngiti na namutawi sa inyong labi ang nagsisilbing inspirasyon at lakas upang lalong pag-ibayuhin ang pagbibigay ng mga napapanahong serbisyo”ayon sa alkalde.
ipabatid din ni Pontioso sa publiko na muli nang magbubukas ng makakaysayang Parke Rizal kung saan ang isinagawang rehabilitasyon ay upang maisaayos ang nasisirang retaining wall, magkaroon ng sapat na drainage canal, ibalik ang dating orihinal na hagdanan sa mga gilid ng parke, pagsasaayos ng water fountain, at ilan pang minor works na magbabalik sa dating ganda at aliwalas ng nasabing parke.
“Kung kaya’t, malugod ko po kayong inaanyayahan na samahan ang inyong abang lingkod sa pagpapasinaya at upang tingnan ang bagong bihis nito.
Gayundin ang kasalukuyang isinasagawang Rehabilitation o Site Development ng Puente de Malagonlong, ay may kaukulang permiso mula sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA)”.
Sa ilalim ng kategorya ng transportasyon ,naniniwala si Mayor Pontioso na ang modernong teknolohiya ay higit pang makakaakit ng mga mamumuhanan na magbibigay ng hanapbuhay sa ating mga kababayan.
Binanngit din niya na isa sa mga proyekto sa hinaharap ng kanyang administrayon ay maisakatuparan ang pagiging isang ganap na Smart City ng lungsod ng Tayabas
Kung kaya inilunsad ang Tayabazen Digital Platform. Ang Tayabazen ay pinaikling Tayabas Citizen. At ang layunin nito ay magbigay ng end-to-end solution at ilapit ang mga serbisyo sa mamamayang Tayabasin. ”Bringing the services of Tayabas, right in your hands”, ayon sa alkalde.
“Una na rito ay ang Tayabazen Mobile App, ang mobile application na ito ay maaring gamitin kahit saan at kahit anumang oras. Maari kayong mag-avail ng online services kagaya ng civil registry service, social welfare, public employment services at marami pang iba” ayon kay Pontioso.
At dito makikita ang mga mahahalagang anunsyo o pabatid mula sa lokal na pamahalaan, na ang layunin ay mapabilis ang transakyon sa mga lokal na tanggapan at makapagbigay ng mas epektibong serbisyo sa ating mamamayan.
Ayon pa sa kaniya na kaakibat ng mobile application ay ang Tayabazen Smart Card na magsisilbing physical 1.D. sa pag-avail ng mga serbisyo.
Sa ngayon ang Information Communication and Technology (ICT section) ay kabilang sa Serbisyong Reynoso Caravan upang magsagawa ng Onsite App Registration and Card issuance ng ating Pink Card.
Sa pag-avail ng card na ito, mas mabilis ang pag-access sa serbisyong ipinagkakaloob ng Lokal na Pamahalaan”saad din ni Pontioso.
“Little by little we are making Tayabas, a Smart City, and no one gets left behind, paniniyak ni Pontioso.
Kung ang mga serbisyo ng lokal na pamahalaan ay tungo sa modernisasyon, hindi rin papahuli ang mga barangay at kung susumahin, halos nasa 50 barangays sa Lungsod ng Tayabas ay mayroon nang Free Public Wifi.
Ang Public Wifi Phase 2 naman ay sisimulan na rin sa natitirang 16 na barangays. Ang mga ito ay magagamit kahit saan ka man naroroong sulok ng Tayabas.
Ang Free Public Wi-fi ay magagamit sa pang-edukasyon gaya ng research at communication purposes, gayundin ang pagkonekta sa ating mga mahal sa buhay na nasa malalayong lugar o ibang bansa. dagsag pa ng alkalde.
Base sa huling tala ang liblib at malayong Sitio Busal sa Barangay Ibabang Palale ay mayroon na ring Wi-Fi connection na makakatulong sa pagtuturo ng mga guro at batang mag-aaral. Pagiging konektado at up-to-date na impormasyon gamit ang makabagong teknolohiya ang ibinigay po natin sa kanila.
Ang ginawang state of the city address ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ay umani positibong reaksyon, pagtiiwala at pagsuporta sa administrasyon Reynoso-Pontioso mula sa mga residente ng suidad na ito.