By Danny Estacio
LALAWIGAN NG BATANGAS— Kinumpirma ng Municipal Disaster Risk reduction and Management Council, na isang pamilya na kinabibilangan ng apat na katao ang nasawi sa landslide matapos matabunan ang kanilang bahay sa Sitio Manalao, Barangay Subic Ilaya, Agoncillo, Batangas, noong Hulyo 24.
Nabatid na nauna ng isinailalim sa State of Calamity ang lalawigan ng Batangas,dahil sa mga pagbaha sa maraming bayan, dulot ng patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan at hangin ng bagyong Carina.
Ayon sa Agoncillo MDRRMO, ang mga biktima ay miyembro ng pamilya Rimas – isang 28-anyos na anim na buwang buntis at tatlong menor de edad na edad 9, 13, at 15.
Agad naman narekober ang mga labi ng biktima, ayon sa MDRRMO.
Nagpaabot ng suporta ang MDRRMO, pulisya, Bureau of Fire Protection, Municipal Health Office, at Municipal Social Welfare and Development Office sa pamilya ng mga biktima.
Agad ding inilikas ang iba
pang pamilya na nakatira malapit sa pinangyarihan ng insidente.
Agad din bumisita si Vice Governor Mark Leviste sa mga kaanak ng mga biktima ng landslide kanin
ang umaga sa Sitio Manalao, Subic Ilaya, Agoncillo, Batangas.
Kasabay ng kanyang taos pusong pakikiramay ay ang tulong pinansyal na iniabot nya sa pamilya Rimas.
Kasama ni Vice Governor Leviste sa pagbisita sa mga iba’t ibang evacuation center si MDRRMO Officer Junfrance De Villa, kinatawan ng MSWDO Shiela Guevarra at iba pang mga opisyales, para siguraduhin na mabigyan ng atensyon at pangangailanganng mga apektado ng bagyo.
Iniulat naman ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council na apng padeklara ng state of calamity noong Hunyo 23, ay kaugnay sa ilang munisipalidad sa lalawigan ang binaha dahil sa walang tigil na pag-ulan.
Binaha ang mga bayan ng Lemery, Agoncillo, at Balayan dahil sa tubig-baha mula sa mga kal
apit na bayan.
Sa Lemery, maraming sasakyan ang na-stranded dahil tanging mga trak at bus lamang ang maaaring dumaan sa binahang diversion road.
Sa Balayan, naapektuhan ng tubig baha hanggang tuhod ang mga bahay sa Barangay Caloocan, Lanatan, Ermita, at Barangay 11.
Photo Courtesy from Agoncillo FB