By Danny Estacio
LUCBAN, Quezon – “Para sa Matatag na Edukasyon: AKAP Para Sa Mga Private School Teachers and Personnel Inulunsad nina Rep. Anna Villaraza Suarez at Deputy Speaker David “Jay-Jay” Suarez ng District 2, Quezon Province”
Pinamunuan ni Alona Party List Representative Anna Villaraza-Suarez at ni Deputy Speaker David “Jay-Jay” Suarez ang pagbahagi ng Ayuda Para Sa Kapos Ang Kita (AKAP) sa mga guro at school personnel mula sa pribadong sektor ng edukasyon sa buong probinsya ng Quezon. Ito ay sa pakikipagtulungan sa Department of Welfare and Development (DSWD).
Ang pribadong sektor ng edukasyon ay patuloy na nakakaranas ng mababang enrolment ng mga mag-aaral sa kabila ng pumuputok na silid-aralan sa pampublikong paaralan dahil sa mataas na bilang ng mag-aaral nito. Ang pribadong sektor ay patuloy na naghahatid ng quality education sa mga mag-aaral nito sa gitna ng mga pagsubok nitong kinahaharap tulad ng mababang pasahod. Mas nanaig sa kanila ang makapagbahagi ng kanilang mga nalalaman at maiangat ang antas ng edukasyon ng mga mag-aaral para sa bagong Pilipinas. Naniniwala sina Alona Party List Representative Anna Villaraza-Suarez at ni Deputy Speaker David “Jay-Jay” Suarez na panahon na patuloy nitong suportahan ang mga teachers and personnel mula sa pribadong sektor ng edukasyon. Higit nitong patatagagin ang edukasyon para sa mag-aaral ng buong probinsya ng Quezon.
Mahigit 3,310 mula sa pribadong sektor ng edukasyon o higit P19M ang ibabahagi sa mga benipisyaryo sa buong probinsya ng Quezon kasama ang mga nasa malalayong lugar sa Quezon tulad ng Real, Infanta, Nakar, Polilio Group of Islands at Alabat Island.
Ayon kay Alona Party List Congresswoman Anna Villaraza-Suarez, “Service to the people transcends politics. I sincerely believe that education is the key to progress. As partners of nation building, the private school teachers and personnel should also be included in the AKAP program of the DSWD.”
Inilunsad ni ALONA Partylist Rep. Anna V. Suarez ang AKAP para sa private school teachers at employees sa Quezon na ginanap sa Kamay ni Hesus shrine gymnsium sa Lucban, Quezon nnong Hulyo 23.