By Danny Estacio
QUEZON- Mahigit sa 1,260 mula sa sektor ng edukasyon mula pribadong paaralan ng teaching at non-teaching mula sa Quezon 4th at 3rd district na ibinilang sa Ayuda Para sa Kapos (AKAP) ang biyayaan mula sa pondo ni Alona Partylist Representative Anna Villaraza- Suarez na isinagawa sa dalawang magkasunod na araw nitong Hulyo 24 at 25.
Sa Quezon 4th district na may 761 guro at empleyado ang tumanggap ng ayuda, noong Hulyo 24, gayung noong Hulyo 25 ay nasa 500 naman mula sa Quezon 3rd district noong Hulyo 25.
Tumanggap sila ng tig-P6000, na sa orihinal ng halaga ay P3,000 lamang. “dahil sa mahal ko ang mga guro at kawani ng pribadong paaralan ay dinoble ko ang ayuda.” ayon kay Suarez.
Ang payout para sa Quezon 4th district ay ginanap sa gymnasium ng Gumaca Bishop’s palace na sinamahan nina mayor Webster Letargo ng Gumaca, mayor Matt Erwin Florido ng Gen. Luna , Gumaca councilors Juancho Mercurio at GJ Ylagan.
Ang Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay inilunsad upang suportahan ang mga “near poor” na Pilipino na nasa panganib na muling sumadsad sa kahirapan dahil sa mga pang-ekonomiyang pagbabago, kabilang ang mga minimum wage earners at mga sambahayan na nakalabas na sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na nangangailangan ng safety net tulad ng AKAP.
Ayon kay Rep. Suarez ang kanyang buong pondo sa AKAP ay inilaan niya sa nasabing sektor ng pribadong sektor na kapag bakasyon ang klase ay tigil din ang kita mula sa paaralan pinaglilingkuran nila.
’Service to the people transcends politics. I sincerely believe that education is the key to progress. As partners of nation-building, the private school teachers and personnel should also be included in the AKAP program of the DSWD, giit pa niya.
Pagtitiyak pa ng kongresista na patuloy niyang susuportahan ang mga teachers and personnel mula sa pribadong sektor ng edukasyon, higit nitong patatagin ang edukasyon para sa mag-aaral ng buong probinsya ng Quezon.
Sa buong Quezon ay may mahigit 3,310 mula sa nasabing sektor ang kabilang sa AKAP para sa private school teachers and personnel program na pinaglaanan ng pondo nasa mahigit sa P19 milyon.
Sa Quezon 3rd district naman ay isinagawa nitong Hulyo 25 sa Catanauan Quezon.