Street Journal Multimedia Services

Region 5

Capacity building for disaster response managers ng Camarines Norte,isinagawa sa kapitolyo

Region 5

By Jayson De Lemon Sa isang pakikipagtulungan upang palakasin ang paghahanda sa sakuna at kalamidad sa lalawigan, pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte (PGCN), sa pamumuno nina Gobernador Ricarte “Dong” Padilla at Bise-Gobernador Engr. Joseph Ascutia ang dalawang araw na pagsasanay sa pagpapaunlad ng kakayahan para sa mga tagapamahala ng mga boluntaryong tumutugon sa sakuna at kalamidad. Ang pagsasanay ay pinangisawaan ng Provincial Disaster Risk and Reduction Management Office (PDRRMO) sa pamumuno ni Antonio Espana at ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pamumuno ni Cynthia R. dela Cruz, RSW, MPA. Ang pagsasanay, na ginanap nitong Oktubre 10-11, 2024, sa Audio Visual Room (AVR) ng Kapitolyo sa Daet, Camarines Norte, ay naglalayong bigyan ng mahahalagang kasanayan at kaalaman ang mga tagapamahala ng mga boluntaryo para sa epektibong pagtugon sa sakuna. Ang kilalang eksperto na si Roy Nelson G. Layosa na nagmula pa sa karatig probinsya ng Camarines Sur ang nagsilbing tagapagsalita sa kaganapan. Ang unang araw ng pagsasanay ay nakatuon sa “Mga Elemento ng Isang Epektibong Organisasyon” at “Pag-andar ng Pamamahala ng Organisasyon”. Nakakuha ang mga kalahok ng mahalagang kaalaman tungkol sa mga prinsipyo ng epektibong pagbuo ng koponan, pamumuno, at pamamahala ng mga mapagkukunan sa mga sitwasyon ng sakuna at kalamidad. Sakop ng pagsasanay ang mga paksa tulad ng: – Pagkilala sa mga pangunahing elemento ng isang matagumpay na organisasyon na tumutugon sa sakuna at kalamidad. – Pag-unawa sa mga tungkulin at responsibilidad ng mga tagapamahala ng mga boluntaryo. – Pagbuo ng epektibong mga estratehiya sa komunikasyon at koordinasyon. – Pagpapatupad ng mahusay na mga sistema ng paglalaan at pamamahala ng mga mapagkukunan. Ang ikalawang araw ng pagsasanay ay nakatuon sa mga praktikal na aspeto ng pagtugon sa sakuna at kalamidad, kabilang ang: – Epektibong Komunikasyon – Mga Tip para sa Epektibong Mga Pulong – Talakayan sa Input na Pagganyak kumpara sa mga Output Inaasahang mapapalakas ng pagsasanay ang kakayahan ng mga tagapamahala ng mga boluntaryo sa Camarines Norte, na magbibigay-daan sa kanila na epektibong mamuno at mag-coordinate ng mga pagsisikap sa pagtugon sa sakuna sa kanilang mga komunidad. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kinakailangang kasanayan at kaalaman sa mga indibidwal na ito, naglalayong bumuo ang Pamahalaang Panlalawigan ng isang mas matibay at handa na lalawigan na may kakayahang epektibong tumugon sa anumang sakuna.          

TEAM NAGA 2025

Region 5

As she confirmed her bid for Mayor in her home city, former Vice President Leni Robredo announced today the candidates selected for Team Naga’s 2025 slate. The line-up is the result of extensive consultations conducted by Robredo, who invited Naga’s residents, organizations, and sectors to field and vet aspiring candidates. “Ang aking mga kasama ngayon, lahat na-evaluate base sa tatlong kategorya: sa ethical standards, sa capacity at experience, sa governance,” Robredo said in Bikol. Outgoing Camarines Sur Rep. Gabby Bordado is the chosen candidate for Vice Mayor. Prior to his stint in Congress, Bordado served as Naga’s Vice Mayor, alongside Robredo’s late husband, Jesse, who led Naga’s model of good governance and people participation. Meanwhile, in accordance with the rankings in the vetting process, the following will be Team Naga’s candidates for the City Council (left to right) Outgoing City Administrator Elmer Baldemoro; Incumbent Councilor Jess Albeus; Incumbent Councilor Gayle Abonal-Gomez; Outgoing City Budget Officer Frank Mendoza; Atty. Areiz Macaraig;  Former City Health Officer Dr. Butch Borja; Former Councilor Miles Raquid-Arroyo; Incumbent Councilor Omar Buenafe; Incumbent Councilor Jose Perez; Incumbent Councilor Oying Rosales. A tradition started by her late husband, long-time Naga City Mayor Jesse Robredo, all aspiring candidates were vetted based on a criteria that included integrity, character, experience, and contribution to people empowerment. Over 2,000 Nagueños participated in this process.

Gov.Grex Lagman,muling kandidato ng Albay

Inside Politics, Region 5

Pormal ko na po tabi pig-file kasubagong alas-kwatro nin hapon ngoniang aldaw su sakuyang Certificate of Candidacy para GOBERNADOR kan Probinsiya nin Albay. Dakulang salamat sa labing dos mil (2,000) na suportadores sa kinseng munisipyo asin tolong siyudad kan Albay sa pag-iba sa sako. Makaogmahon po na maski hale pa kamo sa mga hararayong lugar, pinaheling nindo an espwersos nindo… maski nabalad kamo sa init… maski namaas an saindong mga boses sa kasusuriyaw… maski dapluson na kamo… pinaheling nindo sako an saindong pakikisumaro sa marhay na pago-gobyerno. Ngonian na tapos na an pag-file ko, padagos ako giraray na matrabaho para saindo… magibo asin ma-implementar kan mga programa asin proyekto na mapagian kan buhay nindo… ma-isip ki mga marhay na inobasyon para masolusyunan an problema sa halangkaw na kilowatt hour (kWh) kan kuryernte… i-asegurar na padagos an satuyang marhay na pagtao nin serbisyo sa mga ospital kan Albay… pakusugon an ekonomiya kan sektor agrikultural… tawan nin mas dakol na tabang an satuyang mga estudiantes… siguradohon na magusbong an komersiyo sa satuyang mga puerto… magkaigwa nin mga PPP o mga Joint Venture Agreements sa mga potensyal na investors sa Renewable Energy sa Albay. Haloy pa tabi an karampanyahan sa Marso 28, 2025 pa. Kaya asahan nindo an padagos ako na pagtrabaho para sa saindo gabos! Padaba asin payaba ko kamo gabos, Albayanos!

PTCAO, magsasagawa ng capacity building seminar para sa Albay tourism stakeholders

Region 5

By EDumlao, Albay PIO   LEGASPI CITY, Albay — Nakatakdang ganapin ang capacity building seminar para sa lahat ng Albay tourism stakeholders sa darating na Setyembre 27, 2024 sa Albay Farmer’s Bounty Village, Camalig, Albay. Ito ay pangungunahan ng Provincial Tourism, Culture and Arts Office (PTCAO) at Albay Provincial Agricultural Office (APAO). Layunin nito na mas palawakin ang kasanayan ng mga miyembro ng Albay Tourism Advisory Council (ALTAC) at Local Government Units (LGUs) patungkol sa sustainable tourism practices. Ito ay bahagi ng selebrasyon ng World Tourism Day 2024 na may temang “Tourism and Peace”, na naglalayong isulong ang turismo sa iba’t ibang panig ng bansa.  

1st Green Banner Seal of Compliance Award for Nutrition, natanggap ng Albay

Region 5

By CMDacoro, Albay PIO   LEGASPI CITY,Albay — Natanggap ng Pamahalaang Lokal ng Albay ang kauna-unahang Green Banner Seal of Compliance Award sa katatapos lamang na 2024 Regional Nutrition Awarding Ceremony sa Lungsod ng Legazpi. Ayon kay Provincial Nutrition Program Coordinator, Nutritionist-Dietitian III, Roan Mae Ofalsa, lubos ang kanilang pasasalamat sa lahat ng tumulong para makamit ang inaasam na titulo. “This is not just an achievement of the Provincial Health Office, yung nangyari pong evaluation, lahat ng offices natin particularly PPDO, PBO, APSEMO, PSWDO, APAO, DILG – Albay, DepEd – Albay, PAccO, naging close yung coordination natin sa mga ito, sobrang thorough yung monitoring and evaluation, and sa kanila kami sumangguni when it comes to supporting documents sa implementation ng nutrition programs,” saad ni Ofalsa. Asahan pa aniya ang mas pina-igting na mga programa para malabanan ang paglobo ng malnutrisyon sa lalawigan. “Tuloy tayo, mayroon tayong Provincial Nutrition Action Plan, every year yun ina-update, it is anchored sa Philippine Plan of Action for Nutrition as well as sa RPAN, may iba’t iba tayong nutrition-specific, nutrition sensitive and enabling programs para sa mga Albayano, this year nagsisimula na ulit yung ating Karendirya Supplementalary Feeding Program na kini-cater ang undernourished children, as well as nutritionally at-risk pregnant and lactating mothers,” dagdag pa ng opisyal.      

Albay nakahanda na para sa 2024 SGLG validation

Region 5

By KJAbad, Albay PIO   LEGASPI CITY,Albay — Nakahanda na ang lokal na pamahalaan Albay sa nalalapit na balidasyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa pagkamit ng Seal of Good Local Governance (SGLG) sa lalawigan, na magaganap sa Setyembre 10. Nakatakdang dumating ang SGLG National Validators na sina LGOO V Francis Gabriel Juaton, at LGOO II Engr. Jeza Sumayod. Ayon kay Gov. Grex Lagman, kumpiyansa siyang magbubunga ang lahat ng pagsusumikap ng bawat departamento at executive department para sa matagal ng hangaring ito lalo na ang pagbibigay ng maganda at dekalidad na serbisyo sa mga Albayano. “The PGA’s relentless pursuit of its worthy goals in all areas in governance will soon bear fruit,” bahagi ng pahayag ni Gob. Lagman. Ang SGLG na igina-gawad ng DILG, ay isa sa pinaka-hinahangad na parangal; dahil ang bawat lokal na pamahalaan sa buong bansa ay dumadaan sa mahigpit na pagsusuri ng mga validators base sa sampung pamantayang ibinigay ng ahensya. Ang sampung pamantayan o criteria ay ang mga sumusunod: financial administration and sustainability, disaster preparedness, social protection and sensitivity, health compliance and responsiveness, sustainable education, business-friendliness and competitiveness, safety, peace and order, environmental management, tourism, heritage development, culture and arts, at ang youth development. Maaalalang nnoong Agoste 7 ay ginanap ang Regional SGLG Summit na dinaluhan ng mga gobernador, alkalde at mga representante ng anim na probinsya sa rehiyong Bikol at inihayag ang kahandaan ng bawat lokal na pamahalaan sa pagtataguyod ng maayos at dekalidad na serbisyo publiko.

SPA approves Tabaco City ordinance on establishment of Barangay Reading Centers

Region 5

By CMDacoro, Albay PIO   LEGASPI CITY — The Sangguniang Panlalawigan ng Albay (SPA) has approved the city ordinance for the establishment of Barangay Reading Centers in all barangays of Tabaco City. This was accomplished through the passage of Provincial Resolution No. 1310-2024, which declares as valid and operative City Ordinance No. 8-051 s. 2024 of Tabaco City, titled “Creating Barangay Reading Centers in All Barangays of Tabaco City and Appropriating Funds Thereof, Subject to Applicable Laws, Rules, and Regulations.” The ordinance was authored by ABC President and Board Member Hisham B. Ismail. The establishment of these centers is in line with Republic Act No. 7743, otherwise known as “An Act Providing for the Establishment of Congressional, City, and Municipal Libraries and Barangay Reading Centers throughout the Philippines, Appropriating the Necessary Funds Therefor, and for Other Purposes.” Barangay Reading Centers serve as vital community hubs, fostering literacy and promoting lifelong learning among residents and learners. This initiative will help address the educational and cultural needs of Filipinos, contributing to national development.

Albay Top 9 sa 2024 Cities and Municipalities Competitivenesss Index

Region 5

Pagpasok ng mga investors sa lalawigan,inaasahan By MLQuising, Albay PIO LEGASPI CITY,Albay – Kumpiyansa ang lalawigan ng Albay na mas maraming mga investors ang papasok at mamuhunan sa lalawigan. Kasunod ito ng muling pag-angat ng Albay sa ranking at makapasok sa Top 10 ng 2024 Cities and Municipalities Competitiveness Index sa katatapos pa lamang na Philippine Creative Cities and Municipalities Competitiveness Congress na ginanap noong Agosto 23, 2024, sa Manila Hotel. Ngayong taon, nasa ranked 9th ang Albay, at ang tanging lalawigan sa Bicol na nakapasok sa Top 10. Taong 2022 ay nasa ika-14 na pwesto ang lalawigan habang nasa ika-11 naman noong 2023. Ayon kay Local Economic Development and Investment Promotion Office (LEDIPO) na pinamumunuan ni LEDIP Officer Jaymee Florence E. Ribaya, maliban sa malaking karangalan na natanggap dahil sa prestihiyusong pagkilala, malaki aniya ang dadalhin nitong mga investors sa lalawigan. Binigyang-diin ng opisyal na dahil sa parangal na ito na mapabilang sa Top 10 bilang globally competitive province, makikita ang kahandaan ng Albay partikular na pagdating sa usapin ng economic dynamism, government efficiency, infrastructure, resiliency, at innovation na siyang basehan ng nasabing ranking sa buong bansa. Matatandaan na nitong mga nakalipas na mga buwan ay tinutukan ng Pamahalaang Lokal ng Albay sa pangunguna ng LEDIPO ang mangungulit sa bawat LGU sa lalawigan partikular na ang pagtuturo ng tamang entry ng mga data sa kanilang system sa tulong ng Department of Trade and Industry (DTI) at ng Department of Interior and Local Government (DILG). Ang CMCI ay ang taunan na ranking na dinidevelop ng National Competitiveness Council katuwang ang Regional Competitiveness Committees (RCCs) at suporta mula sa United States Agency for International Development (USAID). Sinusuri nito ang mga local government units (LGUs) sa buong Pilipinas sa limang ‘key pillars of competitiveness’ kabilang na ang economic dynamism, government efficiency, infrastructure, resiliency, at innovation. Una nang kinilala at pinasalamatan ni Governor Edcel Greco A.B. Lagman ang kanyang executive department partikular ang LEDIPO dahil sa natanggap na parangal. Isa rin ito sa mahigpit na binabantayan at pinatataas ng Albay na may malaking papel para sa inaasam na Seal of Good Local Governance (SGLG). Ang Philippine Creative Cities and Municipalities Competitiveness Congress (PCCMCC) ay inorganisa or Department of Trade and Industry (DTI) sa pangunguna ng kanilang Competitiveness Bureau (CB).

Scroll to Top