Street Journal Multimedia Services

Food packs ibinahagi sa pamilya ng kababaihang PDL’s sa Albay

By AJEspiritu, Albay PIO

 

LEGAZPI CITY,Albay — Namahagi ng food packs ang Provincial Social Welfare and Development Office para sa mga pamilya ng kababaihang Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa lalawigan.

Laman ng bawat food pack ang limang kilong commercial rice, dalawang lata ng 175g na corned beef, dalawang lata rin ng 170g na meat loaf, at isang 300g pack ng gatas.

Ang mga ito’y tinanggap ng siyam na PDLs ng Albay Provincial Jail  para sa kanilang pamilyo, noong Disyembre 23.

Ito’y bahagi ng nagpapatuloy na aksyon ng Pamahalaang Lokal ng Albay sa pangunguna ng PSWDO para bigyang suporta ang mga kababaihang PDLs.

Matatandaang namahagi rin ang naturang opisina ng mga hygiene kit, storage box, at foam sa 16 na women PDLs noong Marso 2024 bilang parte ng selebrasyon ng Women’s Month.

Scroll to Top