LOPEZ,Quezon — Naisakatuparan ang pamamahagi ng Emergency Shelter Assistance (ESA) na programa ng STAN Kalinga sa Mamamayan, Tulong Pinansyal mula sa Kapitolyo kabalikat ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Barangay Matinik Lopez, Quezon, noong Disyembre 23.
Sa inisyatibo ni Governor Doktora Helen Tan katuwang ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Provincial Treasurer’s Office (PTO) ay nabigyan ng tulong pinansyal ang 58 na pamilya na apektado sa pagguho ng lupa nitong araw ng Sabado, Disyembre 14 sa nasabing Barangay.
Samantala, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Panlalawigan sa Department of Public Works and Highways (DPWH) upang agarang maisaayos ang mga nasirang kalsada dahil sa pagguho ng lupa.
Sinisiguro rin ni Governor Tan na hindi siya hihinto sa pakikipag-ugnayan sa nasyunal na pamahalaan upang makapaghatid ng nararapat na tulong at serbisyo sa bawat Quezonian.