By EDumlao, Albay PIO
LEGAZPI CITY, Albay — Patuloy ang abiso ng Provicial Tourism,Culture (PTCAO) sa mga ipinagbabawal na aktibidad malapit sa bulkang Mayon.
Ayon kay Dorothy F. Colle, Albay Provincial Tourism Officer, pinagbabawal ang mga aktibidad na gaya ng summit trekking o ang pag-akyat malapit sa aktibong bulkan.
Ito ay dahil sa mga naitatala pa rin na rockfall event mula rito.
Samantala, ang mga aktibidad lamang sa Mayon Skyline Viewdeck at Mayon SkyDrive ATV Adventure ang maari sa kasalukuyan.