By LJLorejo, Albay- PIO
LEGAZPI CITY โ Mahigit 130 kaso na ng pertussis ang naitala ng Department of Health Bicol Center for Health Development Bicol (DOH CHD) sa lalawigan ng Albay.
Sa record mula sa Philippine Integrated Disease Surveillance and Response Database Morbidity Week 47, mayroon ng 132 kaso ng pertussis ang naitala sa lalawigan simula nitong Enero taong kasalukuyan.
Dumagdag ito ng 30 na kaso ngayong Nobyembre mula sa 102 cases na nairehistro noong buwan ng Oktubre.
Paglilinaw naman ng PHO, na nasa 18 lamang sa mga ito ang laboratory-confirmed para sa mga buwan mula Enero hanggang Nobyembre.
Dahil sa patuloy na naitatalang kaso ng nasabing sakit, mahigpit na iminumungkahi ng DOH-CHD na agarang magpa konsulta sa pinaka malapit na health center sakaling sabay-sabay na maramdaman ang mga sintomas gaya ng sipon, lagnat at ubo na lumala na sa loob ng isa hanggang dalawang linggo.
Ang pertussis o โwhooping coughโ ay isang nakakahawang sakit na nakamamatay at karaniwang tumatama sa mga bata partikular na sa mga sanggol na mas bata pa sa anim na buwang gulang.