Street Journal Multimedia Services

Region 5

Albay Peace Council to host Youth Leadership Summit

Region 5

By MBoragay, Albay PIO   Legazpi City, Albay — A three-day Youth Leadership Summit, organized by the Albay Provincial Peace and Order Council (PPOC), will bring together stakeholders to empower young people as future leaders and advocates for peace. The summit aims to foster nationalism, responsibility, and awareness of social issues among the youth. PPOC sees the youth as vital to community development and nation-building. The event will include mentorship, values education, and activities designed to develop leadership skills, scheduled to take place over the coming months. Supported by military and provincial agencies, the summit emphasizes discipline, belonging, and community service among youth leaders.

8 rebelde sumuko kay PNP Chief Torre

Region 5

Kasabay ng pagbisita sa Lalawigan ng Sorsogon ni PNP Chief Police General Nicolas D. Torre III ay naging makasaysayan ang pagsuko ng walong rebeldeng Sorsoganon na pormal na nagbalik-loob sa pamahalaan. Personal na nasaksihan ni Gen. Torre ang seremonya ng kanilang pagbabalik, na isinagawa sa ilalim ng inisyatiba ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Governor Boboy Hamor. Pinasalamatan ni Gen. Torre ang liderato ni Governor Hamor sa pagbibigay ng tunay na pagkakataon sa mga dating rebelde na makapagsimulang muli. Kabilang sa tulong na ibinibigay ng pamahalaang panlalawigan ay ang pagkakaloob ng trabaho at sapat na tulong-pinansyal bilang bahagi ng kanilang repormasyon at pagbabalik sa normal na pamumuhay. Sa kanyang pahayag, muling iginiit ni Governor Boboy Hamor ang kanyang paninindigang ipagpatuloy ang pagsusulong ng kapayapaan sa lalawigan habang siya’y nanunungkulan. Ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na kampanya ng pamahalaang panlalawigan laban sa insurhensiya at sa pagtataguyod ng mas ligtas, payapa, at maunlad na Sorsogon sa inisyatiba ng 7K Katrangkiluhan program. (Sorsogon PIO)  

23 new scholars join Catanduanes Medicine and Law Scholarship Program

Region 5

The Catanduanes Medicine and Law Scholarship and Return Service Program (CMLSRSP) welcomed its biggest batch of scholars to date, awarding full scholarships to 23 aspiring professionals during the Memorandum of Agreement (MOA) Signing and Presentation of Participants on June 27, at the Provincial Capitol Lobby. Among the new grantees are 15 Doctor of Medicine scholars and 8 Juris Doctor scholars. Some attended the ceremony in person, while others joined virtually, along with their parents, CMLSRSP Board Members, the Technical Working Committee, and CMLSRSP Chairman, Governor Joseph C. Cua. In his message, Governor Cua emphasized the power of education to change lives and make dreams a reality—highlighting the inspiring stories of a tricycle driver’s daughter and a government worker’s daughter, now both preparing to take the Bar exams with the help of the program. Addressing the scholars, he reminded: “You have been given a privilege that no other Catandunganon has. Do not waste this opportunity. Pag kamo nasasakitan sa pagmemorize, pag basa, asin sa saindong mga exams, remember that ‘To struggle in your studies is also a privilege.’ Dai pagsayangun.” He further encouraged them to give back: “Pag kamo abogado na asin doctor, hinguhahon na magtabang man sa mga kapwa niato Catandunganon.” “Darhon an batas asin an programa sa salud, sa mga komunidad na kaipuhan talaga nin tabang,” he added, urging the scholars to stay grounded in service. As Catanduanes continues to invest in its future lawyers and doctors, the provincial government reaffirms its commitment to inclusive, life-changing education that empowers individuals and uplifts communities for generations to come.

7K KADUNUNGAN Program sa Sorsogon

Region 5

Kasabay ng unang araw ng pasukan, namigay ng libreng school supplies ang Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon sa lahat ng mag-aaral sa mga pampublikong paaralan ng Matnog, Casiguran, Barcelona, at Donsol bilang bahagi ng proyektong “Gamit mo, Sagot ko” sa ilalim ng 7K Kadunungan Program. Ilan sa natanggap ng mga mag-aaral ay mga bagong uniporme, bag, notebook, payong at iba pa. Kasabay rin nito ang pamamahagi ng libreng tinapay sa mga benepisyaryo sa ilalim ng Pan sa Paaralan Program na naglalayong itaguyod ang edukasyon at kalusugan ng bawat mag-aaral sa lalawigan.  

Catanduanes employees,nagsagawa ng Mangrove planting

Region 5

  Matagumpay na naisagawa ang Mangrove Planting sa Barangay Palawig, San Andres, Catanduanes bilang bahagi ng selebrasyon ng Linggo ng Kalikasan, noong Hunyo 11. Pinangunahan ang aktibidad ng Environmental and Natural Resources Office ng probinsya, katuwang ang mga kawani ng Pamahalaang Lokal ng Catanduanes. Mahigit 250 mangrove propagules ang naitanim bilang suporta sa Project Restore ng lalawigan, na inilunsad noong 2024. Ang pagtatanim ay layong mapigilan ang coastal erosion at mapalakas ang marine biodiversity upang masigurong mananatiling matatag at likas ang mga baybayin sa lalawigan.

Coastal clean-up drive isinagawa sa Oriental Mindoro

Region 5

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng World Environment Day ngayong taon na may temang “Ending Global Plastic Pollution,” pinangunahan ng PG-ENRO ng Oriental Mindoro ang isang Coastal Clean-up activity at Information Dissemination Campaign sa Barangay Lumangbayan, San Teodoro, Oriental Mindoro,noong Hunyo 5. Naging katuwang sa naturang gawain ang MENRO at iba pang ahensya gaya ng BFP, PNP, BJMP, MAO, ORMECO, Linaw Kawayan, Ormin Power Corp., Sangguniang Barangay, mga mangingisda, at iba pang volunteers. Layunin ng programa hindi lamang paglilinis ng kapaligiran kundi ang pagpapalalim ng kaalaman ng publiko sa epekto ng plastic pollution at ang kahalagahan ng kolektibong pagkilos para sa kalikasan. Samantala, pinangunahan naman ng PDRRMO ang isang awareness campaign na “Balik-Kalikasan: A Local Action to #BeatPlasticPollution” na tumutok sa waste segregation at microplastic awareness. Ang World Environment Day ay ginugunita tuwing Hunyo 5 bilang pangunahing kampanya ng United Nations para sa pandaigdigang kamalayan at aksyon ukol sa pangangalaga ng kapaligiran.    

Gov. Hamor, ipinangako ang transpormasyon sa bayan ng Matnog

Region 5

Isang makasaysayang araw ng pag-ikot ang isinagawa ni Governor Boboy Hamor sa bayan ng Matnog, katuwang si Mayor-elect Bobet Lee Rodrigueza, kung saan ipinaabot nito ang kanyang pangako ng full transformation para sa naturang bayan. Sa harap ng mga residente at lokal na opisyal, iginiit ni Governor Hamor ang kanyang buong suporta sa bagong administrasyon sa Matnog sa pamumuno ni Rodrigueza. Ayon sa gobernador, panahon na upang maisaayos ang Matnog sa ilalim ng isang pamahalaang tunay na para sa bayan. Isa sa mga pangunahing layunin ng bagong administrasyon ay ang pag-operate ng Matnog Community College, na matagal nang inaasam ng mga kabataan sa bayan. Buong suporta rin ang ipinangako ni Governor Hamor sa plano ni Mayor-elect Rodrigueza na isaayos at buhayin muli ang pampublikong palengke, na sentro ng kabuhayan para sa maraming Matnoganon. “Kapag maayos ang edukasyon at ang palengke, tiyak na mas mapapalakas natin ang kabuhayan at kinabukasan ng Matnog,” ani Governor Boboy. Bukod sa mga pangunahing proyekto, magandang balita rin ang ibinahagi ng gobernador: may nakahandang pondo na para sa pagtatayo ng proyektong pabahay sa kahabaan ng boulevard na sumasakop sa mga barangay ng Tabunan at Caloocan. Ang proyektong ito ay inaasahang magbibigay ng disenteng tirahan sa mga Matnoganon na higit na nangangailangan. Sa pagtatapos ng kanyang pagbisita, muling iginiit ni Governor Boboy ang kahalagahan ng pagkakaisa at kooperasyon ng bawat Matnoganon upang maisakatuparan ang inaasam na pagbabago. “Matagal na po nating pinapangarap ang maayos na pamahalaan para sa Matnog. Ngayon, nasa ating mga kamay na ang katuparan nito. Ang kapitolyo ay narito upang umagapay, pero ang tunay na pagbabago ay magsisimula sa ating pagkakaisa,” dagdag pa ng gobernador. (Sorsogon PIO)

Gov. Hamor, muling nagwagi sa Sorsogon

Region 5

Opisyal nang pinroklama ng Commission on Elections (COMELEC) Provincial Board of Canvassers sina re-elected Sorsogon Governor Edwin “Boboy” B. Hamor, at Vice Governor Krunimar Antonio “Junjun” Escudero II, kasama sina Sorsogon First at Second District Representatives Congresswoman Dette Escudero at Congressman Wowo Fortes gayundin ang mga Bokal sa unang distrito na sina BM Nini Ravanilla, Ed Atutubo, Junjun Mella, Luis Leosala, Dave Duran at sa pangalawang distrito na sina Ramil Robles, Boytee Doma, Roland Añonuevo, Jun Ong, at Christian Lim. Isinagawa ang proklamasyon ngayong araw ng Martes, Mayo 13, 2025, sa Sangguniang Panlalawigan Session Hall. Dumalo sa proklamasyon ang buong pamilya ni Governor Boboy gayundin ang mga pamilya ng mga nahalal na opisyal. Samantala, nagpaabot naman ng kanilang pasasalamat ang mga nanalong kandidato sa tiwala’t suportang ipinakita ng mga Sorsoganon sa team Una An Sorsoganon.  

Catanduanes wraps up two-day training on DigiHealth ATM

Region 5

The Provincial Health Office (PHO), in coordination with DigiHealth specialists, wrapped up a two-day training on the use of the DigiHealth Automated Telehealth Machine (ATM) at the Provincial Capitol Dome, on May 6, 2025. The training aimed to strengthen the capacity of Rural Health Units (RHUs) by highlighting the use of digital tools to enhance healthcare delivery in local communities. The session focused on the key features of the ATM system, designed to support faster and more efficient medical responses. By equipping local health professionals with the tools and training to operate the DigiHealth ATM, the program seeks to reduce the need for residents to travel long distances for basic healthcare, particularly in far-flung or underserved areas. This initiative is part of the Catanduanes Government’s ongoing efforts to support the goals of Universal Health Care (UHC). With continuous programs like the DigiHealth ATM training, the province is reinforcing its commitment to expanding healthcare access for all, particularly in rural communities. (Catanduanes PIO)  

Scroll to Top