
Matagumpay na naisagawa ang Mangrove Planting sa Barangay Palawig, San Andres, Catanduanes bilang bahagi ng selebrasyon ng Linggo ng Kalikasan, noong Hunyo 11.
Pinangunahan ang aktibidad ng Environmental and Natural Resources Office ng probinsya, katuwang ang mga kawani ng Pamahalaang Lokal ng Catanduanes.
Mahigit 250 mangrove propagules ang naitanim bilang suporta sa Project Restore ng lalawigan, na inilunsad noong 2024.
Ang pagtatanim ay layong mapigilan ang coastal erosion at mapalakas ang marine biodiversity upang masigurong mananatiling matatag at likas ang mga baybayin sa lalawigan.

