Street Journal Multimedia Services

Region 2

P1-M pabuya sa pagkakadakip sa Mayor killer ng Cagayan

Region 2

        TUGUEGARAO CITY — Nag-alok si Gob. Manuel Mamba ng P1 milyon reward money para sa sinumang makapagtuturo at makapagbibigay ng impormasyon para sa agarang pagkakadakip sa mga suspek na pumatay kay Rizal Mayor Atty. Joel Ruma, habang ito ay nangangampanya noong Abril23. Ang hakbang na ito ng Gobernador ay upang mabigyan ng hustisya ang pagpatay sa isang lider sa lalawigan. Una nang kinondena ni Gob. Mamba ang pagpatay kay Mayor Ruma at inihayag na walang puwang ang karahasan sa probinsiya. Kasunod nito ang pakiusap ng ama ng lalawigan sa mga mamamayan ng bayan ng Rizal na makipagtulungan sa mga otoridad upang matukoy ang mga nasa likod ng karumaldumal na pagpatay. Si Mayor Ruma ay binaril ng hindi nakilalang suspek habang ito ay nagsasagawa ng campaign rally sa barangay Illuru sa nasabing bayan gabi ng Abril 23, 2025 Kaugnay nito, personal na binisita ni PNP Chief, PGEN Rommel Marbil ang burol ng Alkalde at nakipag-ugnaya sa pamilya nito. Iniutos din Marbil ang pagbuo ng Special Investigation Task Group (SITG), na siya tututok sa malalimang imbestigasyon, para agarang matukoy ang mitbo at makilala ang suspek para sa ikadadakip nito. Tinungo din ni Marbil ang mismong pinangyarihan ng insidente sa Barangay Illuru Sur upang magkaroon ng malinaw na perspektibo ukol sa krimen. Sa opisyal na ulat ng Police Regional Office 02 (PRO2), nagsagawa rin ang kapulisan ng isang conference sa Rizal Police Station na dinaluhan din mismo ni PGEN Marbil kung saan tinalakay ang mga hakbang na dapat ilatag upang mapabilis ang imbestigasyon ng mga kinauukulan. Ipinag-utos pa nito ang pagkakaroon ng “intensified police visibility” lalo na sa mga lugar na may mataas na tensyon kaugnay sa usapin ng eleksyon. Sa ngayon, nakatutok naman ang SITG sa pangangalap ng mga ebidensya tulad ng mga CCTV footages at mga posibleng saksi na posibleng makatulong sa imbestigasyon. (Badz Heralde)

Gambito commits major infrastructure projects in Nueva Vizcaya

Region 2

By Rachel Magday   In a move that promises to transform local infrastructure and uplift the community, Governor Atty. Jose V. Gambito has announced plans to concrete the road from Sitio Nangcalapan, Barangay Salinas, to Barangay Mauan in Bambang. This announcement was made during the inauguration of a newly completed farm-to-market road, a project funded by a one-million-peso investment from the provincial government. In addition to the road improvements, Governor Gambito addressed the community’s long-standing request for a bridge. He promised to work with former Governor Ruth Padilla to make this happen, as long as they are elected as governor and congresswoman of Nueva Vizcaya. Together with former Governor Ruth Padilla, we are committed to turning these dreams into reality. We will work hand in hand to improve our infrastructure and create new opportunities for our people,” stated Gambito. The event was also attended by Board Member Patricio F. Dumlao and Ruthie Maye Padilla, who represented her mother, former Governor Ruth Padilla. Their presence highlighted the collective effort and determination to drive progress in the province. These long-awaited developments are set to enhance connectivity and boost economic prospects in the province. The improved road and proposed bridge are expected to facilitate smoother transport of goods and services, greatly benefiting local farmers.        

Re-electionist Mayor, pinatay sa campaign rally sa Cagayan

Region 2

RIZAL, Cagayan – Nagsasagawa ngayon ng hot pursuit operations ang pulisya sa mga suspek na pumaslang kay Re-electionist Mayor Atty.Joel Ruma habang ito ay nagsasagawa ng campaign rally noong gabi ng Abril 23 sa Barangay Iluru, Rizal, Cagayan. “Mariin naming kinokondena ang karahasang ito, lalo na sa panahong tayo ay naghahanda para sa mapayapang halalan 2025. Hindi kami titigil hangga’t hindi namin naibibigay ang hustisya para sa mga biktima. Nananawagan kami sa publiko na  makipagtulungan sa imbestigasyon sa pamamagitan ng pagbabahagi ng anumang  impormasyon na makakatulong sa kaso,” pahayag ni PBrig.Gen.Antonio Marallag,Jr., regional director ng Police Regional Office 2. Inilatag din ng kapalusan ngayon ang High Risk Checkpoints sa mga istratihikong lugar sa lalawigan ng Cagayan, upang  mabantayan ang mga lansangan na posibleng daanan ng tumakas na mga suspek. Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas 9:30 ng gabi nang pagbabarilin ng di-pa nakikilalang suspek si Mayor Ramu sa loob ng gymnasium ng Barangay Iluru sa naturang bayan. Ang biktima ay agarang isunugod sa Tuao District Hospital subalit binawian ng buhay habang nilalapatan ng agarang lunas ng mga doktor. Nagtamo ng isang tama ng bala sa katawan ang alkalde na nagdulot ng kaniyang kamatayan. Kaugnay nito, may dalawa pang indibidwal ang nadamay sa pamamaril na sina Merson Abiguebel at Melanie Talay na pawang sugatan. Kasalukuyan ang masinsinang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang mga nasa likuran ng krimen at motibo nito. Sina Mayor Ruma at kabiyak nito na si Atty. Brenda Ruma ay kapwa muling tumatakbo bilang alkalde at bise alkalde ngayon May 2025 local elections. Matatandaang ang bayan ng Rizal, Cagayan ay palagian na nasa tala ng karahasan sa tuwing may halalan.

Dalawang miyembro ng NPA nasakote sa Isabela

Region 2

CAMP MELCHOR DELA CRUZ, Isabela — Nakasagupa at nahuli ng 86th “Highlander” Battalion (86IB) ang dalawang teroristang CPP-NPA mula sa natitirang miyembro ng dismantled KRCV sa Baranga  Dicamay 2, Jones, Isabela, sa nangyaring engkwentro dakong alas sais ng umaga, April 20. Ayon sa inisyal na report, isang concerned citizen ang nagbigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng teroristang kumunistang grupo. Agad itong tinugunan ng 86IB, at sa pagpatrolya ng Highlander Battalion nakasagupa nila ang grupo ng teroristang NPA sa nasabing lugar kung saan dalawa sa miyembro nito ang nahuli at kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan. Kasama sa mga narekober ang ilang IEDs, magazine, mga bala, at iba pang personal na gamit. Ayon kay MGen Gulliver L Señires, Commander ng 5th Infantry Division, “Hinihikayat ko muli ang mga nalalabing miyembro ng KRCV maging ang ICRC: Hindi pa huli ang lahat. Ang pintuan ng pagbabalik-loob ay bukas pa rin. Ngunit habang pinipili ninyong humawak ng armas, kami ay mananatiling matatag sa aming paninindigan na ipaglaban ang kapayapaan para sa taong-bayan.” “Ang aming mandato ay malinaw — protektahan ang mamamayan at panatilihin ang katahimikan sa ating nasasakupan. Hindi tayo mag-aatubiling gampanan ito, lalo na kung ang ating seguridad ay patuloy na nilalapastangan.” dagdag pa ni MGen Señires. Matatandaan, noong Abril 14, taos-pusong nagpaabot ng imbitasyon si Señires sa mga natitirang miyembro ng CTG na magbalik-loob sa pamahalaan. Sa pamamagitan ng Safe Conduct Pass, binigyan ng 5ID ng pagkakataon ang mga CPP-NPA na muling yakapin ang kapayapaan at makapiling ang kanilang pamilya. Ngunit sa halip na tanggapin ang alok ng pag-asa, pinili nilang magpatuloy sa marahas at walang saysay na pakikibaka. Ang naganap na engkwentro sa Jones, Isabela ayon pa sa 5ID ay resulta ng kanilang patuloy na pagtanggi sa kapayapaan.    

NEW QUEENS OF CAUAYAN CITY, Isabela

Region 2

  Mutya ng Cauayan 2025.   SANDRINE DESIREE CRISTOBAL Mutya ng Cauayan Tourism 2025.  PRINCESS DIANNE TUTAAN Mutya ng Cauayan Culture and the Arts 2025  KIMBERLY BONGALBAL Mutya ng Cauayan Agriculture 2025.   WEIN EUNIEZ YU Mutya ng Cauayan 2025 Technology   KEDDY JOY TIQUI   Courtesy Photo: Gawagaway-yan Festival  

Nueva Vizcaya gears up for the 16th grand Ammungan Festival

Region 2

By Rachel Magday Nueva Vizcaya is set to burst into celebration with the 16th Grand Ammungan Festival, marking the 186th founding anniversary of the province. This eagerly awaited cultural event unites the province’s fifteen municipalities in a vibrant display of unity and cultural richness. With the theme “NARANG-AY A NUEVA VIZCAYA: GAPUANAN ITI UMILI NGA AGKAYKAYSA,” the festival highlights the province’s unwavering solidarity in the face of challenges and its collective achievements in reaching new heights of success. In the midst of election season, preparations for this year’s festival are in full swing, led by Marichelle O. Costales, the Director General of the Grand Ammungan Festival and head of the Provincial Tourism and Culture Office. Under her leadership, the provincial government is dedicated to delivering an unforgettable celebration that showcases Nueva Vizcaya’s cultural vibrancy and economic growth. Governor Atty. Jose V. Gambito emphasized the importance of the event, stating, “The election period should not diminish the grandeur of our celebration. The Grand Ammungan Festival is not just an event; it is our founding anniversary, a time to honor our heritage and unite as one community in pride and purpose.” The 2025 festival logo features the Camia flower, the provincial flower of Nueva Vizcaya, symbolizing the province’s natural beauty and agricultural abundance. This design represents Nueva Vizcaya’s identity as a watershed haven and a beacon of cultural diversity and tourism. The fifteen ascending triangles in the logo signify Nueva Vizcaya’s economic growth and cultural development. The Grand Ammungan Festival is a significant event for both locals and visitors, celebrating the rich culture and heritage of Nueva Vizcaya.

21 Isabela farmers to join Seasonal Workers Program in South Korea

Region 2

Twenty-one additional farmers from various cities and municipalities in Isabela arrived in South Korea on March 27, 2025 to participate in the Seasonal Workers Program (SWP) in Jinan County. Comprising 16 men and five women, these farmers are first-time participants in the seasonal agricultural sector development program, which is part of the partnership between the Provincial Government of Isabela (PGI) and the Jinan County Agriculture Office in South Korea. The 21 farmers, along with the 12 who arrived earlier on March 18, 2025, will gain firsthand experience with advanced farming techniques and technology while earning a stable income. The province will dispatch more farmers to South Korea in early and mid-April, joining the 33 already sent there. (Isabela PIO)  

Hunger rate ng Pilipinas, tumaas noong Marso 2025 – SWS

Region 2

Halos nadoble ang bilang ng nagutom at walang makaing Pilipino noong nakaraang buwan ng Marso kumpara sa buwan ng Enero 2025 base sa pinakahuling datos ng Social Weather Station (SWS). Sa isinagawang survey ng SWS nitong Marso 15-20, 2025, umabot sa 27.2% ng mga Pinoy ang nakaranas ng involuntary hunger o pagkagutom, mas mataas ito sa 21.2% noong buwan ng Pebrero at 15.9% noong buwan naman ng Enero 2025. Ito na umano ang maituturing na pinakamataas na porsyento ng mga Pilipinong nagugutom simula nang pumutok ang pandemya noong taong 2020. Umabot lamang sa 20.2% ang average percentage ng hunger rate noong 2024. Sa datos pa ng SWS, 21% ng nakibahagi sa survey ang nagsabing nakaranas sila ng moderate hunger mula sa 15.8% noong Pebrero. Ang moderate hunger ay naranasan ng mga taong minsang nagutom sa nagdaang tatlong buwan. Nakaranas naman umano ng severe hunger ang nasa 6.2% ng respondents, mas mataas sa 5.3% noong nakaraang buwan. Ang mga ito ay maituturing na mga taong laging dumaranas ng gutom. Ang Visayas ang may pinakamataas na porsyento ng involuntary hunger kung saan umabot ito ng 33.7%; Metro Manila na may 28.3%; Mindanao na may 27.3%; at Luzon na may pinakamababang involuntary rate o 24% lamang. (Kane Manaoat)  

War equipment stolen by rebels recovered in Cagayan

Region 2

The police have cordoned off an area where various types of war equipment were hidden by rebels in the town of Peñablanca, Cagayan. According to the Police Regional Office 2, the firearms, ammunition, explosives, and others were left and hidden by the Communist Terrorist Group (CTG) in the area of ​​Sitio Pallay, Barangay Baliuag where an encounter took place on September 10, 2024. The authorities traced their whereabouts with the help of Alyas Mimoy, a former rebel member who has now defected to the government. Based on the inventory conducted by the police, among the items recovered in the area were 82 rounds of 7.62 mm ammunition, 33 pcs. of 5.56 mm ammunition, three empty 5.56 mm bullets, five defective M16 magazines, and one defective AK 47 magazine. Additionally, one hand grenade, six rifle grenades, two Two pcs bandoliers and one black garrison belt, two upper receivers of M14 and two lower receivers of M14 along with one Caliber 38 gun without serial number, subversive documents, and others. The successful operation was the result of the joint efforts of the 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company in collaboration with the Philippine Army, Philippine Coast Guard, and other units of the PNP.    

Scroll to Top