Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City, Cagayan – Matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng Police Regional Office 2 (PRO2) ang isang Regional Most Wanted Person (RMWP) sa isinagawang operasyon sa bayan ng Cordon, Isabela.
Inaresto ng pinagsanib na pwersa ng Cordon Police Station kasama ang ibang hanay ng PNP ang suspek na si alyas Denden, 20 taong gulang, binata, isang Grade 11 student at residente ng Brgy. Sagat, Cordon, Isabela dakong alas diyes ng gabi noong Setyembre 16, 2025.
Si alyas Denden, na kabilang bilang No. 10 sa Regional Most Wanted Person, ay may nakabinbing Warrant of Arrest para sa kasong Rape na inisyu noong Mayo 27, 2025 ng Second Judicial Region, Branch 32, Cabarrougis, Quirino.
Pinuri ni PBGen.Roy Panera, Regional Director ng PRO2, ang matagumpay na pagtutulungan ng iba’t ibang yunit na naging dahilan ng pagkakaaresto.
Ayon sa kanya, “Patunay ito ng walang humpay na kampanya ng PRO2 laban sa mga kriminal upang matiyak na ang hustisya ay naipagkakaloob at ang ating mga komunidad ay nananatiling ligtas bilang katuparan ng adhikain ng Bagong Pilipinas.”


