Street Journal Multimedia Services

Region 1

 Leadership Enhancement Program isusulong sa Pangasinan

Region 1

LINGAYEN,Pangasinan — Magtutulungan ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan at Maxwell Leadership Foundation (MLF) para sa leadership enhancement at values formation ng mga empleyado. Ang Maxwell Leadership Foundation ay isang nonprofit organization na humuhubog ng mga magagaling na lider. Naka-focus ng isasagawang programa ay kaugnay sa personal growth, leadership excellence at faith-driven transformation. Kaugnay nito, personal na nakipagpulong ang Vice President ng Global Programs ng Maxwell Leadership Foundation na si John Griffin kasama sina Pastor Emmanuel Manansala ng LIV Ministries at Dr. Raymond Patrick V. Guico ng World Citi Colleges (WCC) and WCC Aeronautical & Technological College (WCC ATC) kay Gov. Ramon V. Guico III. Ang isasagawang leadership enchancement program ay patunay ng malalim na pagpapahalaga ni Gov. Guico sa pagpapabuti ng kakayahan ng lahat ng mga empleado para sa mas maasyos na serbisyo ng Pamahalaang Panlalawigan. (Edel Eira Gorospe, Krizia Mamaril| PIMRO)        

Pabahay isinusulong ngayon sa Pangasinan

Region 1

LINGAYEN,Pangasinan – Habang patuloy ang pamamayagpag ang Guico+Konsulta ay pinagtibay ngayon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa pamumuno ni Governor Ramon Guico,III at ng Pag-IBIG Fund ang mga programang pabahay sa lalawigan. Prayoridad na mabigyan ng pabahay ang mga job order employees ng kapitolyo at mga informal settler. “Ang panata po ni Gov. Mon-Mon, ang pinakamataas na klase ng serbisyo publiko ang ibigay sa nasasakupan.Kami dito, handang makipagtulungan sa PAG-IBIG upang gawing magaan ang obligasyon sa bayarin ng ating mga benepisyaryo. Kami ay nag-iisip ng kaparaanan para mabago yung mukha ng serbisyo publiko dito sa lalawigan ng Pangasinan. Please make it happen,” pahayag ni Provincial Administrator Melicio Patague II. Ibinahagi naman ni Pangasinan Housing and Urban Development Coordinating Office (PHUDCO) Head Engr. Alvin Bigay ang iba pang proposed housing projects sa probinsya. Kabilang dito ang 100-unit Luyag Residences na balak itayo sa Parayao, Binmaley at housing project sa Umingan malapit sa itinatayong Umingan Super community Hospital. Ilan sa mga tinitignang programa ang Countryside Housing Initiative, Rental Housing Construction Loan, at End user financing. Binibigyan nito ng pagkakataon ang mga benepisyaryo na magkabahay dahil sa subsidiya at mas mababang amortization. Dumalo sa pagpupulong sina PAGIBIG Member Services Cluster Deputy CEO Atty. Marcial Pimentel, Business Development Group Officer Annalyn Daw-as, Luzon Group Vice President Perlacita Roldan, Ilocos Region Area Head Meriam Pamittan, Loans Origination Chief of Divisions Ferdinand Jacildone, at iba pang miyembro ng PAG-IBIG Business Development at Marketing Group. Matatandaang nilagdaan noon ang kasunduan sa pagitan ni Gov. Guico III at ng Department of Human Settlements and Urban Development upang matulungan ang mga Pangasinenseng walang maayos na tirahan. Noong July 2024, 68 indibidwal ng Palaris, Poblacion, Lingayen ang nailipat at nabigyan ng bahay sa Aplaya West Resettlement Site. (Ulat mula kina Danna Laureano, Krizzia Mamaril |PIMRO)  

Dialysis Center, binigyang katuparan ni Governor Guico

Region 1

Sa loob ng animnaput dalawang taong operasyon ng Western Pangasinan District Hospital, sa ilalim ng pamumuno ni Governor RamonV.Guico III natupad ang pangarap na magkaroon ito ng Dialysis Center. Noong Lunes, Enero 20, opisyal nang nag-operate ang 15 seater Dialysis Center. “Ang lapit na lang. Dati, dalawang oras ang byahe ko mula Bani papuntang PPH sa San Carlos City. Pero ngayon, minuto na lang. Napakalaking tulong po nito sa aming mga nagda-dialysis. Maraming salamat kay Governor Mon-Mon Guico,” ito ang pahayag ni Descebelle Ordonez, isang dialysis patient. Bukod sa mas malapit, ang pinakamagandang balita ay libre ang dialysis treatment sa WPDH. Pangangalaga sa kalusugan ng bawat Pangasinense ang isa sa mga prayoridad na programa ni Governor Guico. ( Rich Majin, JP de Vera| PIMRO)    

141 nagtapos sa Guico-backed Pangasinan Polytechnic College

Region 1

  Lingayen, Pangasinan—Ang unang batch ng 141 na mag-aaral ay nagtapos sa Pangasinan Polytechnic College (PPC) kamakailan at ngayon ay armado ng kaalaman at kasanayan na magbibigay sa kanila ng sapat na kompetisyon para makapagtrabaho. Ang paaralang itinatag sa pamamagitan ni Gov. Ramon Guico III ay naglalayong magbigay ng libreng edukasyon kung saan ang mga mag-aaral ay armado ng mga kasanayan, na ginagawa silang sapat na karampatang para sa mga in-demand na trabaho. Sa pamamagitan ng pagtatatag ng paaralan, inaasahan ng gobernador na mabigyang inspirasyon at bigyang kapangyarihan ang mga kabataan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pagkakataon para sa pagtuklas ng sarili. Si Gov. Guico ay matatag na naniniwala na ang PPC ay hindi lamang isang walang ginagawang pangarap kundi isang maaabot na katotohanan para sa propesyonal pati na rin sa personal na paglago. Sa malakas na suporta ng gobernador sa PPC at sa pinalakas na partnership sa TESDA, ang Pangasinan ay mayroon na ngayong grupo ng mga skilled graduates na sumailalim sa Electrical Installation and Maintenance (EIM) NC II program. Higit pang mga pagkakataon ang naghihintay sa Pangasinenses dahil ang PPC-CeLL ay isang TESDA-registered technical-vocational na institusyon na nagbibigay ng libreng pagsasanay. Samantala, ang mga nagsasanay na nagnanais na makapagtrabaho sa mga tanggapan ng pamahalaang panlalawigan ay tinutulungan ng nasabing institusyon para sa kanilang mga aplikasyon. Bukod sa mga ito, may mga planong palawakin ang mga kursong inaalok ng PPC-CeLL sa pamamagitan ng TESDA (automotive servicing) ngayong taon. Sa pagtutulungan ng pamahalaang panlalawigan at ng PPC-CeLL, mas maraming magsasanay ang masasanay at sa huli ay makakahanap ng mga trabaho para sa mas maliwanag na kinabukasan. Habang isinusulat ang balitang ito, isa sa mga nagsipagtapos na si Cesar Arcelona ay natanggap na sa Provincial General Services Office (PGSO), at marami pa ang inaasahang mag-a-apply. By Zaldy Comanda  

Gov.Guico. kabilang sa Top 79 Notable Alumni ng UP Diliman

Region 1

Kinilala bilang isa sa ‘Top 79 Notable Alumni’ ng University of the Philippines (UP) Diliman si Governor Ramon V. Guico III. Sa isang independent metric-based site na Edurank, kinilala si Gov. Guico, kasama ang mga kilalang personalidad tulad nina dating Pangulong Ferdinand Marcos, dating Pangalawang Pangulo Leni Robredo, at mamamahayag na si Maria Ressa. Nakuha ni Gov. Guico ang ika-61 na pwesto. Ang EduRank ay isang kagalang-galang na independent organization na sumusuri sa mga institusyong pangmataas na edukasyon sa buong mundo batay sa iba’t ibang salik tulad ng akademikong reputasyon, output ng pananaliksik, at mga pagsusuri ng estudyante. Si Gov. Guico ay nagtapos ng Bachelor of Arts in Philosophy at kumuha rin ng Master’s degree in Education with a Major in Educational Administration sa UP Diliman. Ang UP Diliman ay nakaantas na ika-625 sa buong mundo, ika-125 sa Asya, at ika-5 sa Pilipinas batay sa pinagsamang kasikatan ng mga alumni. Mula nang maupo sa pwesto noong 2022, si Governor Guico ay nagpatupad ng makabagong istilo ng pamumuno sa Pangasinan sa pamamagitan ng corporate model para mapaunlad ang ekonomiya ng lalawigan. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, naisakatuparan ang mga malalaking proyekto tulad ng GUICONSULTA, Pangasinan Salt Center, Pangasinan Polytechnic College (PPC), Corporate Farming Program, at konstruksiyon ng Pangasinan Link Expressway (PLEX). Patunay din ng maganda niyang pamumuno nang magawaran ang pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan ng Seal of Good Local Governance (SGLG) award noong December 2024. Ang pagkilala kay Gov. Guico bilang isang prominenteng alumni ng UP Diliman ay indikasyon ng epektibong pamumuno at dedikasyon sa serbisyo publiko. Ang mga konkretong resulta at parangal na natanggap ng lalawigan ay patunay ng kanyang husay sa pamumuno at malasakit sa progreso ng Pangasinan. (By Marilyn Marcial, Danna Laureano)  

Konsulta plus Guiconsulta, umaarangkada sa Pangasinan

Region 1

By Zaldy Comanda   LALAWIGAN NG PANGASINAN – Patuloy ang arangkada ng Konsulta plus Guiconsulta program sa lalawigan ng Pangasinan, na maituturing na isang legacy ni Governor Ramon ‘Mon-Mon’ Guico,III, sa layuning mapaunlad at mabigyan ng mahusay na kalusugan sa may dalawang milyong mamamayan ng lalawigan. Ramdam na ramdam ng mga residente ng bawat barangay sa iba’t ibang bayan na naunang personal na tinungo ng Guiconsulta Team ay ipinakita ni Gov,Guico ang kanyang malasakit at pagmamahal sa mga kababayan, lalong-lalo na sa mga kapuspalad, na maihatid para ang serbisyong-kalusugan at iba pang mga proyekto tungo sa maulad na pamumuhay sa lalawigan. “Kailangan talaga maramdaman ng bawat mamamayan ang serbisyo ng pamahalaang lalawigan ng Pangasinan, kaya naman ang ating mismong Gobernador, kasama ang iba pang opisyal, maging ang kinatawan ng Philhealth ang mismong naghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa bawat barangay. Nakita natin ang totoong malasakit ng ating mga opisyal sa ngayon na mapakinabangan ng bawat tao ang benepisyo ng lalawigan at mga ka-partner natin sa programang ito,” pahayag ni Dhobie de Guzman, chief ng Pangasinan Public Information Office. Aniya, sa nakalipas na administrasyon, napakataas ng Philhealth Return to Hospital (RTH) at denied claims ng labing-apat na ospital ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan. Pero sa ilalim ng liderato ni Gov. Guico ay malaki na ang ipinagbago at mas maayos na ang koleksiyon ng PhilHealth claims dahil bumaba ang halaga RTH at denied claims. “ Sa ngayon ay nasa libong Pangasinan residents ang naka-enrol na sa Philippine Health Insurance Corporation’s (PhilHealth) Konsulta program ng lalawigan mula sa aprubadong ordinansa ng Sangguniang Panlalawigan, sa pangunguna ni Vice Governor Mark Lambino. Isa itong makasaysayang program ana ngayon lang naramdaman sa Pangasinan ” Ayon pa kay De Guzman, habang umaarangakada ang Guiconsulta program ay kasabay ang proyektong rehabilitation sa lahat ng ospital at paglalagay ng mga makabagong equipmet at aparato na pangunahing kailangan sa konsultasyon. Labis naman ang pasasalamat ni Nanay Angelita Garcia, residente ng Barangay Cabanbanan kay Governor Guico dahil sa mga tinanggap na libreng serbisyo, na gaya ng libreng check-up, libreng laboratory exam, at libreng mga gamot dahil sa Konsulta ng Philhealth at cash incentive. “Napakasarap sa pakiramdam bilang Pangasinense na may isang gobernador na nagmamalasakit at nagmamahal para lahat tayo ay healthy,” tugon ng isang opisyal. Ang GUICOnsulta ay isa sa mga pangunahing programa ng pamahalaang panlalawigan na may layuning mai-enroll ang mga Pangasinense sa Philhealth Konsulta upang magkaroon ng libreng konsultasyon, gamot, at laboratory tests. “Priority ko ngayon itong Konsulta+GUICOnsulta dahil napakagandang program po ito. Ang programang ito ay programang pangkalusugan. Among the 81 provinces in the entire Philippines, ang Pangasinan ang nangunguna sa paglalatag at paggawa ng programang ito,” pahayag ni Governor Guico. Hangad ni Gov. Guico na sa PhilHealth Konsulta+GUICOnsulta program, Pangasinan ang magiging pinakamalusog na lalawigan sa buong bansa            

Super community hospital sa Umingan,Pangasinan,malapit ng matapos

Region 1

LINGAYEN, PANGASINAN—Inaasahang magbubukas sa lalong madaling panahon ang P200 milyon, 55-bed capacity na community hospital sa Barangay Gonzales sa bayan ng Umingan para makinabang ang mga Pangasinense mula sa silangang bahagi ng lalawigan. Sinabi ni Gob. Ramon V. Guico III na ang ospital na makikita sa apat na ektaryang ari-arian sa nasabing barangay ay magkakaroon din ng mga modernong kagamitan tulad ng CT (computed tomography) scan, X-ray, at diagnostic devices. Sinabi ni Guico na ang mga pasyente mula sa mga karatig bayan ng Natividad, San Nicolas, Rosales at maging ang karatig lalawigan ng Nueva Ecija ay magsisilbi rin. Nagsimula noong Enero 18,2024, ang proyekto ay 80 porsyento na ngayong kumpleto, iniulat ng gobernador. Kapag nakumpleto na, ang gusali ay magkakaroon ng 50,000 square meters ng floor plan. Natapos na ang daan patungo at palabas ng ospital. Sinabi ni Gobernador Guico na ang pagtatayo ng pasilidad ay ang kauna-unahang township project ng kanyang administrasyon at isang pagsasakatuparan ng bisyon ng pamahalaang panlalawigan na ganap na gawing moderno ang 14 na ospital ng gobyerno. Ang proyekto ng township ay dapat isama ang pagtatayo ng isang terminal ng transportasyon, isang komersyal na lugar na may mga modernong stall, isang bahagi ng pabahay, isang daycare center, isang bahagi, at isang social hall, sinabi pa ng tagapamahala. Ang proyekto ay naaayon sa pangunahing layunin ni Gob. Guico na magbigay ng mass-based na programa sa pangangalagang pangkalusugan na makatutulong nang malaki sa mga may sakit na kapos-palad na mga residente ng 6th congressional district ng Pangasinan. Inaasahan ang pagdagsa ng mga pasyente sa sandaling magbukas ang modernong community hospital. Ang umiiral na Umingan Community Hospital malapit sa municipal hall sa barangay Poblacion ay isang 15-bed capacity facility na nagsisilbi sa humigit-kumulang 50 pasyente lamang.

SEC supports growth in Ilocos Region with new Laoag office

Region 1

The Securities and Exchange Commission (SEC) has opened a new extension office in Laoag City, strengthening its regulatory oversight and supporting economic growth in northern Philippines. The Commission officially inaugurated the SEC Laoag Extension Office (EO) located on the fifth floor of Dap-ayan Building in Brgy. 9, Sta. Angela, Laoag, Ilocos Norte, on January 9. The Ilocos region posted the second highest nominal gross domestic product among the regions without an SEC extension office in 2023, at P701.47 billion. It also hosts eight operational Special Economic Zones that cater to hubs for industrial, commercial and financial activities, the highest among regions with no SEC extension office. The SEC Laoag EO will accommodate the registration, compliance processes and other SEC-related transactions of businesses across Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union and Pangasinan, ensuring the timely and efficient delivery of services. The SEC Laoag EO will also facilitate the Commission’s investor protection and education programs to safeguard businesses against scams and other fraudulent schemes. As of November 2024, the Ilocos Region is home to a total of 12,463 SEC- registered corporations. “We are starting the new year right with the opening of the Commission’s 14th extension office. Through the SEC Laoag EO, we seek to create an environment that will encourage businesses to incorporate, enabling them to take part in driving the robust economic growth of the Ilocos Region,” SEC Chairperson Emilio B. Aquino said. “By expanding our presence in this growing region, the SEC continues to show its commitment to further improving the ease of doing business in the Philippines,” he added. The latest extension office will also allow the SEC to foster partnerships with local government units and stakeholders, to more effectively promote the Commission’s programs and thereby support key sectors in the region such as agriculture, trade and eco-tourism. The SEC Laoag EO brings the Commission’s regional offices to 14, following the three offices opened in Butuan, Koronadal, and Lipa in 2024. The other offices are in Baguio, Tarlac, Legazpi, Cebu, Bacolod, Iloilo,    

80th Lingayen Gulf Landings,18th Veterans Day ipagdiriwang ng Pangasinan

Region 1

  Lingayen, Pangasinan – Pangungunahan ni Gobernador Ramon V. Guico III at ng Sangguniang Panlalawigan sa pamumuno ni Vice Governor Mark Ronald Lambino ang pagdiriwang ng 80th Lingayen Gulf Landings at ika-18 Pangasinan Veterans Day, ngayong araw Enero 9, sa Capitol Beach Park dito. Ang kambal na kaganapan ay gaganapin sa isang bagong lugar kasunod ng pagkumpleto ng muling pagpapaunlad ng Capitol Complex, na kinabibilangan ng reflecting pool at pagpapaunlad ng Veterans Plaza bilang parangal sa mga sakripisyo ng mga beterano ng Pilipino. Ito ay matapos aprubahan ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang iminungkahing relokasyon ng World War II historical markers sa Lingayen beachfront. Si Kalihim Gilberto C. Teodoro, Jr. ng Departamento ng Tanggulang Pambansa ay dadaluhan ang okasyon na pormal na magsisimula sa isang Thanksgiving Mass na pangungunahan ni Rev. Fr. Allan Morris T. Abuan ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan alas-7:00 ng umaga. Kaagad na susundan ang seremonya ng paglalagay ng wreath, at ang Commemorative program ay magtatapos sa isang Commemorative Photo Session.

Scroll to Top