P25-M Natividad Farmer’s Multi-Purpose Building, itatayo sa La Union
Region 1NAGUILIAN, La Union – Pinangunahan ni Governor Mario Ortega, kasama si Naguilian Mayor Nieri T. Flores at mga Sangguniang Bayan members sa isinagawang panimulang punto ng itatayong dalawang-palapag na Natividad Farmer’s Multi-Purpose Building sa Barangay Natividad, Naguilian, La Union, noong Hulyo 8. Ang ₱25 milyon halaga ng proyekto may kabuuang lawak na 211.12 square meters na binubuo ng Barangay Hall, Day Care Center, Senior Citizen Office, at Health and Wellness Center Ang gusaling ito ay magiging bagong sentro ng serbisyo sa layuning mapalapit ang maayos at kumpletong serbisyo para sa mga bata, matatanda, may sakit, at iba pang bahagi ng komunidad. Nakatakdang simulant sa lalong madaling panahon ang proyektong ito ng Pamahalaang Panlalawigan ng La Union, sa pamamagitan ng Provincial Engineering Office. Ayon kay Ortega, hangarin ng kanyang pamamahala na lalo pang paunlarin ang mga komunidad sa La Union at sa mga ganitong proyekto ng pagbibigay prayoridad sa sektor ng imprastraktura ay nabibigyan ng sentralisado at accessible na serbisyo ang mga Elyucano. Nakiisa rin sa programa si Barangay Natividad Punong Barangay Efren G. Pontanes at ang buong barangay council para magbigay ng suporta at magpaabot ng pasasalamat.










