Street Journal Multimedia Services

Van nahulog sa bangin, lima patay, siyam sugatan sa Mountain Province

By Jimmy Ceralde

SADANGA, Mountain Province — Limang katao ang namatay, samantalang siyam ang sugatan nang mahulog ang kanilang sinasakyang tourist van sa may 50 metrong lalim ng bangin sa Barangay Ampawilen, Sadanga, Mountain Province, noong gabi ng Abril 4.

Sa report ng Sadanga Municipal Police Station, isang puting Nissan van na may plate number na NDA 9883 ang nawalan ng kontrol sa madulas na kalsada at nahulog sa bangin at dumeretso sa ilog dakong alas 10:00 ng gabi, na agad silang nagsagawa ng responde, kasama ang Bureau of Fire Protection.

Mabilis namang naiahon ang mga biktima, subalit lima ang idineklarang dead on spot basa sa pagsisiyasat ni Dr. Irene Limmayog, na nakilalang sina Vance Quinto Hernandez Jr., 45, driver, tubong Bulacan; Gerardo Navarro,36,tubong Zamboanga;

Veronica Hipolito,36, ng South Cotabato at isang hindi kilalang babae, nakasuot ng kulay abong t-shirt, itim na leggings, samantalang idineklara namang dead on arrival sa ospital si Niño Belando

Ang mga sugatan na ngayon ay nasa Bontoc General Hospital, Bontoc, Mountain Province ay sina Mary Joy Reyes,45; Archie Reyes,25; Cherish Quimpan Femal, 20; Manuel Lap,26; Elvis Acupan,25; Ham Sua, Babae, 23; Arlette Sarmiento,23; Christine Cuidamat,20 at Dan Dacoycoy,24.

Mahigpit na nagpapaalala ang mga awtoridad na maging maingat ang mga drayber sa pagmamaneho sa bulubunduking lugar ng Cordillera, lalo na’t kapag madulas ang kalsada dulot ng hindi-inaasahan pag-uulan.

Scroll to Top