BAGUIO CITY — Dalawa sa pinakarespetadong Mixed Martial Arts (MMA) fighters ng Pilipinas na sina Joshua “The Passion” Pacio at Danny “The King” Kingad ng ONE Championship, ang buong-pusong nagpahayag ng kanilang suporta kay Congressional candidate Gladys Vergara at sa mga kasama nitong city councilor aspirants Glenn Gaerlan at Eric Kelly.
Ang mga nasabing fighters na hinagaan ng buong mundo ay kilala hindi lamang sa kanilang lakas sa ring kundi sa kanilang integridad at kababaang-loob sa labas nito,
Naniniwala sina Pacio at Kingad ang kanilang tiwala sa pamumuno at katangian ng mga kandidato, particular na sa kanilang kasamang MMA fighter na si Kelly.
Naniniwala din sila mula sa katauhan ni Vergara at grupo nito ay kumakatawan sa isang tatak ng serbisyo publiko na batayan, taos-puso, at tunay na para sa mga tao.
Ang pag-endorso mula sa mga world-class na atleta na ito ay may dalang malakas na mensahe—pagkilala sa mga lider na lumalaban para sa pag-unlad, pagiging patas, at kapakanan ng komunidad na may parehong puso at disiplina na kinakailangan upang makipagkumpetensya sa pinakamataas na antas ng isport.
Sa pagpapakita ng suportang ito, ang momentum sa likod nina Vergara, Gaerlan, at Kelly ay patuloy na lumalago—nag-ugat sa pagtitiwala, paglilingkod, at mga pagpapahalaga sa mga mamamayan ng Baguio.