Pormal nang nilagdaan ni Gov. Mario Eduardo C.Ortega ang Supplemental Memorandum of Agreement (MOA) para sa School Building Program sa ilalim ng Department of Education (DepEd) noong Hunyo 2, 2026, sa DepEd Central Zone, Brgy. San Antonio, Makati City.
Ang hakbang na ito ay bilang suporta sa commitment ng Provincial Government of La Union (PGLU) na patuloy na isulong ang pagkakaisa at inklusibong edukasyon para sa lahat ng kabataan sa lalawigan ng La Union.
Ang proyekto ay naglalayong magpatayo at kumpletuhin ang One Storey, Five Classroom School Building sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan ng La Union. Ilan sa mga ito ay ang Nayba Integrated School, San Gabriel; Upper Tumapoc National HS, Burgos; Tio-angan Elementary School, Bagulin; Casilagan Integrated School, Bauang; Castro Elementary School, Sudipen; Baraoas Norte Elementary School; Naguilian at Dr. Cases Elementary School, Agoo.
Sa pagkakapirma ng MOA, inaasahang makakapagsimula ng pagpapatayo ng mga classrooms sa mga naturang lugar sa lalong madaling panahon.
Buo ang suportang hatid ng Gobernador sa proyektong ito upang mas mapaganda ang kalidad ng edukasyon sa lalawigan.
Katuwang din sa nasabing signing ceremony sina DepEd Undersecretary Peter Irving C. Corvera, Mel John I. Verzosa, at Assistant Secretary Aurelio Paulo R. Bartolome. Magsisilbi itong patunay na ang bawat isa ay kaisa sa layunin ng PGLU na maghatid ng mas maliwanag na kinabukasan para sa mga mag-aaral ng La Union sa pamamagitan ng ligtas at sapat na mga silid-aralan.