Street Journal Multimedia Services

Gov.Guico tinupad ang PANGAKONG mga aparato para sa Lingayen District Hospital

 

 

LINGAYEN,Pangasinan — Sa loob lamang ng halos tatlong taon, nabigyang katuparan ni Governor Ramon Guico III na magkaroon ng Hemodialysis Center ang Lingayen District Hospital (LDH), bilang patunay sa patuloy na pagsusulong ng kanyang legendary program na GuiConsulta.

Ito ang kauna-unahan sa District 2 ng Pangasinan, na sa kabuuan ay mayroon na itong 13 Dialysis machines.

Mayroon na ring Mobile Prosthesis at Orthosis clinic ang LDH, na Ito ang kauna-unahan sa buong Pilipinas.

Sa isinagawang programa, binigyang diin ni Governor Guico ang kahalagaan ng mga proyektong pangkalusugan tulad na lamang ng pagtatayo ng karagdagang ospital.

Kinabibilangan ito ng Alcala Community Hospital at Umingan Super Community Hospital, na bukod dito ay puspusan din ang pagbili ng mga makabagong hospital equipment.

Ang Power Mobile Van naman ay malaking tulong para sa mga Person with Disabilities (PWDs) para mailapit sa kanila ang serbisyo at libreng prosthesis leg sa tulong ng Physicians for Peace Philippines Inc.

Ang mga bagong pasilidad ay patunay ng magaling na serbisyo ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gov. Guico.

Ayon kay LDH Chief Dr. Aurelio Cariño, malaking tulong ang mga ito lalo na sa mga pasyenteng hirap sa buhay.

Dumalo sa programa sina Vice Governor Mark Lambino, Board Member Philip Cruz, Physician for Peace Philippines Inc. Chairperson Dr. Josephine Bundoc, Board Trustee Dr. Arlyn Grace Guico, Mr. Robert Lane, Atty. Babyruth Torre, Department Heads, Hospital Chiefs, at mga Hospital staff.

 

 

 

Scroll to Top