Sa pag-ikot ko sa bawat barangay, sa bawat lugar, napakarami kong natutunan mula sa inyong lahat.
Ang lahat ng isinangguni ninyo sa akin ay bibigyan ko ng halaga, sapagkat ako rin ay inyong pinahalagahan sa pagbibigay ninyo ng oras.
Humaharap po ako sa inyo na handang ipagkaloob ang sarili at maisagawa ag mga plataporma para sa inyo at sa siyudad ng Baguio.
Papakinggan ko kayong lahat—para sa ikabubuti ng ating mahal na Lungsod ng Baguio!
Kasama ninyo ako sa paghahanap ng tunay na solusyon—mula sa puso, para sa tao.
Maraming salamat sa pagtitiwala na ibahagi sa akin—at sa amin ng aking mga kasamahan sa GGA na pinangungunahan ng ating Mayor Benjie Magalong—ang inyong mga saloobin, pananaw, tanong, at suhestiyon.
Muli, maraming salamat, Baguio City, sa panahon, pagkakataon, at tiwalang ipinagkaloob ninyo. Solusyon, meron kay Ron!