Street Journal Multimedia Services

Magalong, pinasinayaan ang bagong Barangay San Vicente Satellite Market

 

Pinangunahan ni Mayor Benjie Magalong, kasama ang ilang city officials at Barangay Officials ang ribbon-cutting ceremony sa pagbbukas ng bagong Barangay San Vicente Satellite Market,noong Abril 11.

Ang P6.7 milyong tatlong-palapag na building ay magdadala ng mahahalagang produkto at serbisyo na mas malapit sa mga residente, susuportahan ang lokal na kabuhayan, at palalakasin ang katatagan ng komunidad.

Sa kabila ng mga hamon at pagkaantala, nanatiling nakatuon ang pamahalaang lungsod at barangay sa pagtupad nito—na nagpapatunay na kahit ang pinakamahirap na layunin ay makakamit nang may dedikasyon at pagkakaisa.

 

Ang pagpapaunlad sa bawat barangay, kabilang ang pagtatayo ng makabao at modernong Barangay Hall, ay isa lamang sa proyekto ni Magalong sa layuing mapabuti ang serbisyo ng mga barangay officials sa kanilang komunidad.

 

 

Scroll to Top