Kinilala bilang isa sa ‘Top 79 Notable Alumni’ ng University of the Philippines (UP) Diliman si Governor Ramon V. Guico III.
Sa isang independent metric-based site na Edurank, kinilala si Gov. Guico, kasama ang mga kilalang personalidad tulad nina dating Pangulong Ferdinand Marcos, dating Pangalawang Pangulo Leni Robredo, at mamamahayag na si Maria Ressa.
Nakuha ni Gov. Guico ang ika-61 na pwesto.
Ang EduRank ay isang kagalang-galang na independent organization na sumusuri sa mga institusyong pangmataas na edukasyon sa buong mundo batay sa iba’t ibang salik tulad ng akademikong reputasyon, output ng pananaliksik, at mga pagsusuri ng estudyante.
Si Gov. Guico ay nagtapos ng Bachelor of Arts in Philosophy at kumuha rin ng Master’s degree in Education with a Major in Educational Administration sa UP Diliman.
Ang UP Diliman ay nakaantas na ika-625 sa buong mundo, ika-125 sa Asya, at ika-5 sa Pilipinas batay sa pinagsamang kasikatan ng mga alumni.
Mula nang maupo sa pwesto noong 2022, si Governor Guico ay nagpatupad ng makabagong istilo ng pamumuno sa Pangasinan sa pamamagitan ng corporate model para mapaunlad ang ekonomiya ng lalawigan.
Sa ilalim ng kanyang pamumuno, naisakatuparan ang mga malalaking proyekto tulad ng GUICONSULTA, Pangasinan Salt Center, Pangasinan Polytechnic College (PPC), Corporate Farming Program, at konstruksiyon ng Pangasinan Link Expressway (PLEX).
Patunay din ng maganda niyang pamumuno nang magawaran ang pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan ng Seal of Good Local Governance (SGLG) award noong December 2024.
Ang pagkilala kay Gov. Guico bilang isang prominenteng alumni ng UP Diliman ay indikasyon ng epektibong pamumuno at dedikasyon sa serbisyo publiko.
Ang mga konkretong resulta at parangal na natanggap ng lalawigan ay patunay ng kanyang husay sa pamumuno at malasakit sa progreso ng Pangasinan. (By Marilyn Marcial, Danna Laureano)