Street Journal Multimedia Services

Mpox death sa Baguio, nakuha ang sakit sa ibang lugar-Magalong

BAGUIO CITY – Ipinaliwanag ni Mayor Benjamin Magalong na ang pasyenteng namatay sa Monkey pox o Mpox ay hindi nanirahan sa lungsod, sapul nang ito’y magkasakit, kaya hindi maituturing na ito’y Baguio case.

Sinabi ni Magalong sa media interview na dumating sa lungsod ang isang 32-anyon na lalaki, na bagama’t taga-Baguio, ay infected na sa variant ng Mpox virus mula sa pinanggalingan nitong lugar, na kung saan ay matagal siyang nanirahan doon.

“Yong namatay ay hindi niya nakuha dito ang sakit,kundi sa pinanggalingan niyang lugar, nagkataon na umuwi lamang siya dito, hanggang madetect ang kanyang sakit, na-confined,pero namatay din.”

Aniya, wala rin itong kinalaman sa naitalang unang kaso ng Mpox na residente sa lungsod na isang 28-anyos na lalaki na nakarekober na sa sakit.

“Having some difficult time getting more information from the source, kasi yong source meron pa siyang mga multiple contact, pero ayaw niyang i-reveal,kaya dahan-dahan nating kino-convince na i-reveal niya para ma-trace natin yong contact nya at maagapan na magamot,” pahayag ni Magalong.

Panawagan ni Magalong sa publiko na panatilihin muli ang health sanitation practice gaya ng nangyari noong Covid-19, na panatilihin maging malinis sa katawan at magsuot ng face mask sa mga crowded areas. By Zaldy Comanda

Scroll to Top