Street Journal Multimedia Services

Region 5

Gov. Hamor, ipinangako ang transpormasyon sa bayan ng Matnog

Region 5

Isang makasaysayang araw ng pag-ikot ang isinagawa ni Governor Boboy Hamor sa bayan ng Matnog, katuwang si Mayor-elect Bobet Lee Rodrigueza, kung saan ipinaabot nito ang kanyang pangako ng full transformation para sa naturang bayan. Sa harap ng mga residente at lokal na opisyal, iginiit ni Governor Hamor ang kanyang buong suporta sa bagong administrasyon sa Matnog sa pamumuno ni Rodrigueza. Ayon sa gobernador, panahon na upang maisaayos ang Matnog sa ilalim ng isang pamahalaang tunay na para sa bayan. Isa sa mga pangunahing layunin ng bagong administrasyon ay ang pag-operate ng Matnog Community College, na matagal nang inaasam ng mga kabataan sa bayan. Buong suporta rin ang ipinangako ni Governor Hamor sa plano ni Mayor-elect Rodrigueza na isaayos at buhayin muli ang pampublikong palengke, na sentro ng kabuhayan para sa maraming Matnoganon. “Kapag maayos ang edukasyon at ang palengke, tiyak na mas mapapalakas natin ang kabuhayan at kinabukasan ng Matnog,” ani Governor Boboy. Bukod sa mga pangunahing proyekto, magandang balita rin ang ibinahagi ng gobernador: may nakahandang pondo na para sa pagtatayo ng proyektong pabahay sa kahabaan ng boulevard na sumasakop sa mga barangay ng Tabunan at Caloocan. Ang proyektong ito ay inaasahang magbibigay ng disenteng tirahan sa mga Matnoganon na higit na nangangailangan. Sa pagtatapos ng kanyang pagbisita, muling iginiit ni Governor Boboy ang kahalagahan ng pagkakaisa at kooperasyon ng bawat Matnoganon upang maisakatuparan ang inaasam na pagbabago. “Matagal na po nating pinapangarap ang maayos na pamahalaan para sa Matnog. Ngayon, nasa ating mga kamay na ang katuparan nito. Ang kapitolyo ay narito upang umagapay, pero ang tunay na pagbabago ay magsisimula sa ating pagkakaisa,” dagdag pa ng gobernador. (Sorsogon PIO)

Gov. Hamor, muling nagwagi sa Sorsogon

Region 5

Opisyal nang pinroklama ng Commission on Elections (COMELEC) Provincial Board of Canvassers sina re-elected Sorsogon Governor Edwin “Boboy” B. Hamor, at Vice Governor Krunimar Antonio “Junjun” Escudero II, kasama sina Sorsogon First at Second District Representatives Congresswoman Dette Escudero at Congressman Wowo Fortes gayundin ang mga Bokal sa unang distrito na sina BM Nini Ravanilla, Ed Atutubo, Junjun Mella, Luis Leosala, Dave Duran at sa pangalawang distrito na sina Ramil Robles, Boytee Doma, Roland Añonuevo, Jun Ong, at Christian Lim. Isinagawa ang proklamasyon ngayong araw ng Martes, Mayo 13, 2025, sa Sangguniang Panlalawigan Session Hall. Dumalo sa proklamasyon ang buong pamilya ni Governor Boboy gayundin ang mga pamilya ng mga nahalal na opisyal. Samantala, nagpaabot naman ng kanilang pasasalamat ang mga nanalong kandidato sa tiwala’t suportang ipinakita ng mga Sorsoganon sa team Una An Sorsoganon.  

Catanduanes wraps up two-day training on DigiHealth ATM

Region 5

The Provincial Health Office (PHO), in coordination with DigiHealth specialists, wrapped up a two-day training on the use of the DigiHealth Automated Telehealth Machine (ATM) at the Provincial Capitol Dome, on May 6, 2025. The training aimed to strengthen the capacity of Rural Health Units (RHUs) by highlighting the use of digital tools to enhance healthcare delivery in local communities. The session focused on the key features of the ATM system, designed to support faster and more efficient medical responses. By equipping local health professionals with the tools and training to operate the DigiHealth ATM, the program seeks to reduce the need for residents to travel long distances for basic healthcare, particularly in far-flung or underserved areas. This initiative is part of the Catanduanes Government’s ongoing efforts to support the goals of Universal Health Care (UHC). With continuous programs like the DigiHealth ATM training, the province is reinforcing its commitment to expanding healthcare access for all, particularly in rural communities. (Catanduanes PIO)  

Nagwagi sa Pandang-Gitab Festival of Lights, pinarangalan

Region 5

CALAPAN CITY – “Sa ngalan ni Governor Bonz Dolor at ng buong Pamahalaang Panlalawigan ay muling malugod na tumatanggap sa bawat isang nandito sa pagdiriwang ng taunang Pandang-Gitab Festival”, ang mensahe ni OIC-Provincial Administrator Atty. Earl Ligorio Turano II. Tinanghal na kampeon ang Parang National High School mula sa Calapan City sa Pandang Gitab Oriental Mindoro Festival of Lights 2025 Street Dancing Competition noong Abril 30. Tumanggap ang mga kinatawan mula sa nabanggit na paaralan ng P500,000 cash prize, tropeo at P15,000 gift certificate mula sa Jolly Waves Resort. Nakuha naman ng Mindoro State University (MinSU) Calapan City campus ang 2nd place na may tropeo, P300,000 cash prize at P10,000 gift certificate ng Jolly Waves samantalang 3rd place ang Porfirio G. Comia Memorial National High School ng Naujan na may tropeo , P150,000 cash prize at P5,000 gift certificate ng Jolly Waves. Tumanggap din ng tig-P30,000 consolation prize ang iba pang contingent na lumahok na kinabilangan ng Apostolic Vicariate of Calapan (AVC) Kabataan ng Hapag, Bu-away Folkloric Dance Troupe ng Oriental Mindoro National High School, Nag-iba National High School ng Calapan City at Pedro V. Panaligan Memorial National High School ng Calapan City. Samantalang ang mga special awards ay nakuha ng mga sumusunod: Best in Choreography at cash prize na P35,000 ang Parang National High School; Best in Costume and Props na may P35,000 cash prize ang Parang National High School; Best in In-place Presentation at cash prize na P50,000 ang Parang National High School habang Best in Street Dance Presentation at cash prize na P50,000 ang AVC Kabataan ng Hapag. Tinanggap din ng Parang National High School ang P50,000 cash prize para naman sa ORMECO’s Dagitab Choice Award. Ang Pandang Gitab Festival na pinangasiwaan ng Provincial Tourism Office sa pamumuno ni Provincial Tourism Officer Don Stepherson Calda ay hindi lamang Pista ng Ilaw at Liwanag manapa’y isa itong Thanksgiving Festival, pasasalamat para sa ilaw at liwanag. (PIO Oriental Mindoro)    

Gov.Hamor nagpasalamat sa agarang tulong ni PBBM sa mga apektado ng pagputok ng Bulkan

Region 5

  SORSOGON CITY – Labis ang pasasalamat ni Governor Boboy Hamor kay Pangulong Bongbong Marcos at kay DSWD Secretary Rex Gatchalian sa kanilang agarang pagtugon at pagbibigay ng atensiyon sa mga naapektuhan ng pag-alburoto ng bulkan. Ayon sa Gobernador, direktang nakikipag-ugnayan sa kanya ang Malacañang sa pamamagitan ni Secretary Gatchalian at DSWD Regional Director Norman Laurio upang tiyakin ang mabilis na pagbigay ng tulong sa mga Sorsoganon. “Ang tulong mula sa DSWD at sa ating Presidente ay isang malaking ginhawa para sa ating mga kababayan na apektado ng kalamidad. Patuloy ang ating koordinasyon upang matiyak na maipamahagi ang kinakailangang ayuda sa mga naapektuhan,” dagdag ni Governor Hamor. Patuloy na nakamonitor ang mga awtoridad at mga lokal na pamahalaan sa kalagayan ng mga apektadong residente. Inaasahan din ang karagdagang tulong mula sa iba pang mga ahensya ng gobyerno sa mga susunod na araw. Sa pagbisita sa lalawigan ng Sorsogon ni DSWD Secretary Rex Gatchalian upang personal na makita ang kalagayan ng mga residenteng naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Bulusan, ay ipinahayag niya ang kanyang paghanga sa kahandaan ng Sorsogon sa pagtugon sa mga sakuna. Nagsimula nang mamahagi ng food packs ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang apektado ng pagsabog ng Bulkang Bulusan. Ang mga food packs ay ipinamahagi sa mga barangay ng Bacolod, Puting Sapa, at Buraburan sa bayan ng Juban. Kasalukuyang nasa evacuation centers naman ang mga residenteng naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Bulusan. Sa INACT, may 25 pamilyang pansamantalang nanunuluyan—24 mula sa Brgy. Cogon at 1 mula sa Brgy. Monbon—na may kabuuang 91 indibidwal. Sa Gallanosa National High School naman ay may 34 pamilyang evacuees mula sa Brgy. Cogon, na binubuo ng 111 indibidwal. Noong Abril 30, dakong Bandang 1:30 ng madaling araw ay personal na bumisita si Governor Hamor sa mga evacuation center sa bayan ng Irosin, kung saan pansamantalang nanunuluyan ang mga residenteng lumikas mula sa Brgy. Cogon. Tiniyak ng gobernador na handang tumugon sa pangangailangan ng mga evacuees ang Pamahalaang Panlalawigan katuwang ang LGU Irosin. Bumisita rin si Governor Boboy sa mga tauhan ng BFP, SPDRRMO, at PNP na nagsasagawa ng flushing operations sa bahagi ng Maharlika Highway na natabunan ng abo dulot ng pagputok ng Bulkang Bulusan. Agad na nagsasagawa ng clearing operations ang Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon, Bureau of Fire Protection, PNP, katuwang ang mga miyembro ng Sorsogon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (SPDRRMC) matapos ang pagputok ng Bulkang Bulusan, na particular na tinututukan ay ang paglilinis ng national highway sa Barangay Buraburan, Juban, kung saan bumagsak ang makapal na abo mula sa pag-aalboroto ng bulkan. Nanawagan si Governor Hamor sa mga motorista na pansamantalang iwasan muna ang naturang lugar upang bigyang-daan ang mas mabilis at ligtas na pagsasagawa ng clearing operations. Patuloy namang nakabantay ang mga awtoridad sa kalagayan ng Bulkang Bulusan at pinaalalahanan ang publiko na manatiling alerto at sumunod sa mga abiso para sa kaligtasan ng lahat.                  

Posibleng pagputok ng Mt.Bulusan, pinaghahandaan sa Sorsogon

Region 5

SORSOGON CITY – Pinaghahandaan ngayon lalawigan ng Sorsogan ang posiblidad na pagputok ng bulking Bulusan, matapos maitala ang 98 volcanic earthquakes na nagsimula noong Abril 12. Nagsagawa kamakailan ng emergency meeting para sa Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) ng Bulusan Volcano ang Pamahalaang Panlalawigan na pinangunahan ni Provincial Administrator Franco Eric Ravanilla bilang kinatawan ni Governor Boboy Hamor, na ginanap sa kapitolyo. Ang pagpupulong ay kaugnay ng mga naitalang pagtaas sa seismic activity ng bulkan. Base sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PhiVolcs) sa Bulkang Bulusan. Ayon sa kinatawan ng DOST-PhiVolcs, sa kasalukuyan ay nananatili sa Alert Level 0 ang Bulkang Bulusan, gayunman, matapos na makitaan ng mga pagbabago sa estado ng bulkan kabilang na ang sunod-sunod na volcanic earthquake, at iba pang seismic activities, patuloy ang kanilang monitoring at hindi isinasantabi ang posibilidad na mag alboroto ang nasabing bulkan. Samantala, bilang paghahanda ng Kapitolyo sa anumang posibilidad na mangyari, inilatag na nito ang mga plano at preparasyon na kailangang gawin upang maiwasan ang anumang epekto nang nabanggit. Kabilang sa mga paghahanda ng Pamahalaang Panlalawigan at iba pang katuwang na ahensya ay ang pagkakaroon ng koordinasyon at patuloy na monitoring, paglatag ng command center, paghahanda ng mga resources kabilang ang pag-augment ng mga fire trucks, food packs, hygiene kits, face masks at iba pa. Dagdag pa, hindi na rin papayagan ang pagpasok sa 4km permanent danger zone. Samantala, sa ngayon ay nauna nang ipinadala sa mga partner agencies tulad ng BFP, PNP at DRRMO ng Bulusan, Irosin, Juban, Casiguran, Gubat at Barcelona ang nasa 35,000 N95 face mask bilang bahagi ng pre-positioning ng Kapitolyo. Ang Bundok Bulusan, kilala rin bilang Bulusan Volcano, ay isang stratovolcano sa isla ng Luzon sa Pilipinas. Matatagpuan ito sa lalawigan ng Sorsogon sa Rehiyong Bicol, ito ay 70 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Bulkang Mayon at humigit-kumulang 390 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Maynila. Huling pumutok ang bulkang Bulusan noong Hunyo 12, 2022.      

Agri-youth sector, bida sa 8th Provincial 4-H Achievement Day

Region 5

Mas pinaigting ang suporta para sa sektor ng agri-youth mula sa iba’t ibang munisipyo sa isinagawang 8th Provincial 4-H Achievement Day sa Provincial Capitol Dome, noong Abril 22. Pinangunahan ito ng Lokal na Pamahalaan ng Catanduanes sa pamamagitan ng Provincial Agricultural Services Office (PASO). Layunin ng programang ito na higit pang palakasin ang partisipasyon ng kabataan sa pinalawak na larangan ng agrikultura, mula sa mga usapin patungkol sa agri-preneurship gamit ang makabagong teknolohiya, hanggang sa mas pinatibay na suporta mula sa lokal na pamahalaan. Naging tampok din sa programa ang iba’t ibang paligsahan tulad ng 4-H Club Promotional Video Contest at 4-H On-the-Spot Photography, kung saan nagwagi ng unang pwesto ang LGU Caramoran. Samantala, itinanghal namang kampeon ang LGU Baras sa Tinig ng Kabataan Song Contest. Sa pamamagitan ng mga ganitong programa, patuloy na hinihikayat ang mga kabataan na aralin at pagyamanin ang sektor ng agrikultura bilang isang makabuluhang larangan para sa kanilang kinabukasan at para sa ikauunlad ng buong lalawigan.  

Power Supply agreement nilagdaan sa Oriental Mindoro

Region 5

CALAPAN CITY — Nilagdaan na ang Power Supply Agreement para sa 57 Megawatts guaranteed dependable capacity power supply sa pagitan ng Oriental Mindoro Electric Cooperative Inc. (ORMECO), power supplier companies at ng Pamahalaang Panlalawigan na ginanap sa Solidarity Hall ng ORMECO Inc., Barangay Sta. Isabel, Lungsod ng Calapan, noong Abril 14. “We are no longer celebrating a problem, we are celebrating a solution.” Ito ang binigyang diin ni Governor Bonz Dolor sa kanyang mensahe sa naturang okasyon. Aniya pa, hindi siya tumitigil sa paggawa ng paraan upang ang matagal nang kinakaharap na problema ng lalawigan at maging ng iba’t ibang nakaraang pamunuan sa isyu ng kuryente ay matuldukan na. Pinasalamatan naman ni ORMECO General Manager Humphrey A. Dolor ang mga walang sawang sumuporta upang maging isang ganap itong katuparan ng pinapangarap na solusyon sa usapin ng kuryente sa lalawigan na halos dalawang dekada nang kinakaharap ng mga nakaraang iba’t ibang pamunuan. Kapag napasimulan na ang operasyon ng mga karagdagang planta ng kuryente ngayong taon na itatayo ng nanalong power companies sa iba’t ibang natukoy na bayan, inaasahang bababa na ang taripa ng kuryente sa lalawigan sa pamamagitan ng naging commitment ng mag-ooperasyong power companies na pagpapababa ng generation charge sa maximum na 7.39 KWh. Ang labis dito ay tatawaging subsidized generation charge na kung saan ang magbabayad ay ang pamahalaan. Samantala, nakiisa at nagpahayag ng suporta sa naturang gawain sina Bokal Aleli Casubuan, dating Provincial Administrator Dr. Hubbert Christopher A. Dolor, at ilang mga member-consumer ng naturang kooperatiba.                      

Catanduanes 9th Abaca Festival

Region 5

Excitement builds as preparations for the 9th Abaca Festival kick off, with the Catanduanes Provincial Government convening at the Sanggunian Panlalawigan Session Hall to map out plans for this year’s celebration, on  April 14. The Abaca Festival, also known as Catanduanes Abaca Festival, is an annual celebration held in Virac, Catanduanes, Philippines, during the fourth week of May. It highlights the abacá fiber, the Manila hemp industry, and the resilient culture of Catanduanes.  The festival showcases the island’s unique identity and culture, particularly its strong connection to the abaca fiber industry. With the theme “Kusog nin Islang Maogma: Pinagtibay nin Abaca,” the festival will showcase the island’s strength, unity, and resilience—rooted in its thriving abaca industry. Highlights of the event include the 4th Arte Isla Art Exhibit, Agri, Trade and Tourism Fair, Drum and Lyre Competition, and the vibrant Street Dance Competition. Additional activities are still being finalized to complete the festival lineup. Now in its ninth year, the Abaca Festival continues to celebrate local culture, boost tourism, and foster a deeper sense of community pride throughout the island.        

Scroll to Top