Street Journal Multimedia Services

PWDs sa Albay hinikayat na magpa-rehistro para sa mga benepisyo

LEGAZPI CITY, Philippines — Hinihikayat ang mga Person with Disabilities (PWD) sa Albay na magpa-rehistro at magkaroon ng PWD ID para makatanggap ng iba’t ibang benepisyo mula sa mga lokal na pamahalaan, establisyemento at iba pa.

Ito ang inihayag ni Albay Provincial Persons with Disability Affairs Office (APPDAO) Head Annecita A. Abion, kung saan inilatag nya ang mga maaaring maibigay na tulong sa sektor oras na magkaroon ng PWD ID.

Ayon kay Abion, madaming benepisyo ang makukuha ng bawat PWD tulad na lamang ng mga discounts at asistensya mula sa mga tanggapan ng pamahalaan.

“Maa-avail nila ang mga benefits and privileges that comes with having an ID, like for discount napakalaking tulong if you are having medications,” paliwanag ni Abion.

Dagdag pa nito na hindi lamang naka-sentro ang benepisyo sa discount sa gamot kundi sa pagpapa-hospital, pamasahe at sa mga restaurant.

Kaugnay nito, kinumpirma ng opisyal ang kanilang planong magsanay ng mga personahe ng mga Local Government Units (LGUs) hinggil sa pag-proseso ng pagpapa-rehistro sa mga PWDs.

Ang naturang hakbang ay bahagi pa rin ng layunin ng opisina na makapaghatid ng mas episyenteng serbisyo sa bawat PWD sa Albay. (EDumlao, Albay PIO)

 

Scroll to Top