LINGAYEN, Pangasinan – Alinsunod sa direktiba ni Governor Ramon V. Guico III, patuloy na isinasagawa ng Provincial Employment and Services Office (PESO) ang Regular Job Fair para matulungan ang mga job seekers sa probinsya.
May kabuuang 18 na local at overseas companies ang nakiisa sa Job Fair kung saan 3,357 bakanteng trabaho mula skilled work, clerical positions at managerial roles ang inalok sa mga job seekers, noong Agosto14.
Nagkaroon din ng one-stop-shop services ng PhilHealth, SSS, PRC at Department of Migrant Workers sa mga job seekers at returning OFWS.
Mula January 2025, umabot na sa 3,618 Pangasinense ang nabigyan ng trabaho dahil sa Regular Job Fair at local recruitment na isinasagawa ng PESO sa probinsya.
Siniguro ng PESO na magtutuloy ang gagawing Job Fair at Local Recruitment activities sa LGUs katuwang ang mga local at overseas companies upang matulungan ang mga Pangasinense na makahanap ng trabaho. (Trisha Gayle Chavaria, Ervin Alcantara|PIMRO)


