Street Journal Multimedia Services

Albay PHO, nagsagawa ng medical mission

By CMDacoro, Albay PIO

LEGASPI CITY, Albay — Mahigit 600 na residente ng bayan ng Bagamanoc, Catanduanes ang naging benepisyaryo ng medical mission na hatid ng Albay Provincial Health Office (APHO) sa unang araw ng nagpapatuloy na medical mission nito,noong Nobyembre 23.

Kabilang sa mga serbisyong dala ng APHO ang libreng check-up, blood pressure testing, at ECG.

Patuloy rin ang pamamahagi ng opisina ng aabot sa 1,500 na sachet ng nutrition commodities kabilang ang ready-to-use therapeutic food, at ready-to-use supplementary food para sa mga batang severely, at moderately malnourished.

Mayroon ding ipinamahaging higit 100 na hygiene, breastfeeding, at prenatal kits sa mga residenteng nakatira lalo na sa mga coastal areas.

Bukod pa rito, nagpapatuloy rin ang pamamahagi ng daang-daang mga gamot kabilang ang mga antibiotics, analgesics, gamot sa high blood pressure, asthma, allergies, at mga bitamina.

Kasama ang higit 30 katao na binubuo ng 6 na mga doctor, at mga nurses, dala rin ng Albay ang Mental Health and Psychosocial Support Services (MHPSS) team para maghatid naman ng Mental Health Support sa mga batang edad 3 hanggang 12 taon gulang na lubhang nasalanta ng nagdaang Super Typhoon (STy) Pepito.

 

 

 

Scroll to Top