Street Journal Multimedia Services

“PASKONG QUEZONIAN 2024

Isang Pamilya, Isang Probinsya

Nagliwanag ang buong Kapitolyo matapos na pormal nang buksan ang “PASKONG QUEZONIAN 2024: Christmas in COCOlandia” sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan, noong Nobyembre 22.

Kumukuti-kutitap sa ganda ang mga pailaw na dekorasyon sa iba’t-ibang bahagi ng Perez Park, Lucena City na nagbigay ngiti sa mga dumalo ng nasabing switch-on at opening program kung saan natunghayaan din ang Official Release ng 2024 Christmas ID, gayundin ang magarbong Fireworks Display.

Samantala, binigyang-diin ng Gobernadora na sa kabila ng pagsubok na dala ng mga nagdaang kalamidad sa lalawigan ay hangad niyang manatiling puno ng pag-asa at katatagan ang mga Quezonian.

Nakiisa rin sa ginanap na pagpapailaw ang ilang punong bayan sa lalawigan ng Quezon at ang mga punong tanggapan sa Pamahalaang Panlalawigan.

Abangan naman ang iba’t-ibang aktibidad na inihanda ng Provincial Tourism Office sa mga susunod na araw para sa masayang Paskong Quezonian ngayong taon. (Teksto & Larawan from Quezon PIO)

 

 

 

 

Scroll to Top