Street Journal Multimedia Services

14 farmer cooperative nakatanggap ng makinarya sa Quezon

 

LUCENA CITY — Sa pamamagitan ng Department of Agriculture (DA)-Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech), pormal nang naipagkaloob sa 14 Farmer Cooperatives and Associations (FCA) sa lalawigan ng Quezon ang mga libreng makabagong makinarya sa ginanap na programa sa Quezon Convention Center, Lucena City, Oktubre 21.

Naipamigay ang pang-agrikulturang kagamitan na Four-wheel Tractor at Rice Combine Harvester sa ilalim ng Mechanization Program ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) na nabuo dahil sa Republic Act No. 11203 o Rice Tariffication Law (RTL) na isinulong ni Senator Cynthia Aguilar Villar.

Labis naman ang pasasalamat ni Governor Doktora Helen Tan, dahil malaki ang maitutulong ng mga makinarya para sa mas magaan at maunlad na pamumuhay ng ating mga kalalawigan na magsasaka.

Samantala, nakasama sa nasabing seremonya sina PhilMech FMFOD Chief – Engr. May Ville Castro bilang kinatawan ni PhilMech Director IV – Dr. Dionisio Alvindia, APCO Quezon – John Oliver Sarmiento bilang kinatawan ni DA IV-A Regional Director Fidel Libao, at Provincial Agriculturist – Dr. Liza Mariano.

Scroll to Top