By CMDacoro, Albay PIO
Legazpi City, Albay– Kabilang sa namataang rumagasa sa ilang kabahayan sa bayan ng Guinobatan ang volcanic debris matapos umapaw ang Masarawag-Maninila Channel sa kasagsagan ng pananalasa ni Tropical Storm (TS) Kristine sa lalawigan.
Ito ang kinumpirma ni Engr. Dante Baclao, Provincial Engineer, at concurrent Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) Officer-In-Charge (OIC) kasunod ng isinagawang ocular inspection ng kanilang mga tauhan sa barangay Masarawag.
Agad naman itong senegundahan ni Dr. Paul Karson B. Alanis, PHIVOLCS Resident Volcanologist, kasunod ng kanilang nagpapatuloy na balidasyon sa posibleng lahar flow sa mga barangay na nasa palibot ng Bulkang Mayon.
Matatandaang nakapagtala ng 49 million cubic meters ng volcanic materials ang PHIVOLCS sa nagdaang pag-alburuto ng Bulkan Mayon.
CMDacoro, Albay PIO