Iginawad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang kauna-unahang Seal of Good Local Governance (SGLG) sa Pamahalaang Lungsod ng Maynila ngayong ika-9 ng Disyembre 2024.
Ang prestihiyosong parangal ay tinanggap ni Manila Mayor Dra. Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo Nieto, kasama ang mga direktor mula sa iba’t ibang departamento ng Manila City Hall, sa isang seremonya na ginanap sa Manila Hotel.
Ang Seal of Good Local Governance ay isang simbolo ng dedikasyon ng pamahalaang lungsod sa pagpapabuti ng lokal na pamamahala.
Ang pagkakamit ng parangal na ito ay nagpapatunay sa kanilang pagsusumikap sa pagtutok sa mga pamantayan ng transparency, integridad, at mahusay na paghahatid ng mga serbisyo sa kanilang mga nasasakupan.
Isang malaking hakbang ito para sa Maynila patungo sa mas progresibo at makatarungang pamamahala, at isang patunay ng kanilang komitment na maglingkod ng tapat at maayos.
Muli, Congratulations sa Pamahalaang Lungsod ng Maynila at sa mga nasasakupan nito para sa natamo nating tagumpay! (Manila PIO)