Street Journal Multimedia Services

Sen.Imee Marcos, pinuna ang mabagal na konskrukyon ng Tuguegarao-Solana bridge

Pinuna na rin ni Senator Imee Marcos ang matagal at hindi natatapos na konstruksyon ng Tuguegarao-Solana Bridge sa lalawigan ng Cagayan.

Sa panayam ng medya sa Senador kaugnay sa pangakong tututukan nito ang rehabilitasyon sa Cagayan, kanyang nabanggit na marami pa umanong pinag-uusapan ngayon ang bicameral conference committee.

Dati na umano kasing plano ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ang paglalagay ng anim na tulay patawid ng Ilog Cagayan.

Kwestyonable sa Senador kung bakit umano hindi matapos-tapos ang Tuguegarao-Solana Bridge na simulan halos anim na taon nang nakalilipas.

“Bakit ang bagal-bagal ng Tuguegarao- Solana bridge hanggang ngayon ang tanging dinadaan natin yung lumang tulay. Itong rangtay ni tatang ko na buntun bridge forever. Eh ang plano niya di lang natapos sa hindi inaasahang pagkakataon, ang plano niya tatlo, minimum of three bridges for the longest river, Cagayan river. Minimum three, naka drawing six kaya wala nakastock up pa rin tayo ‘di ko maintindihan katagal-tagal naman nitong kinakailangan nating Tuguegaro-Solana,” ani Sen. Imee.

Inamin rin ng Senador na maraming isyu sa imprastraktura sa Cagayan katulad sa flood control.

“Ang daming issues ng infrastructure sa Cagayan. Alam natin hanggang ngayon wala pang sagot sa flood control kung lalagyan ng malaking cistern sa ilalim at sa palagay ko, ‘yun lang ang tanging magagawa at pati na rin yung mga tinatawag na sponge cities tulad ng Tsina at India na marami ng ganoon eh yung halos lumulutang sila,” pagtatapos ng Senator. (By Cagayan PIO Page)

Scroll to Top