Street Journal Multimedia Services

Seal of Good Local Governance, nakamit ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon

Sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan, nakamit ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ang 2023 Seal of Good Local Governance Award ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Bilang parte ng HEALING Agenda ang Good Governance ni Gov. Tan, patuloy na isinusulong nito ang mabuting pamamahala at pagsisikap na maihatid ang tunay at epektibong serbisyo para sa bawat mamamayan.

Ang Seal of Good Local Governance ay ang pinakamataas na pagkilala na iginagawad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan sa buong bansa.

“It’s a concerted effort of everyone, and it’s a proof that we are doing our best sa Capitol [Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon] na ayusin lahat ang mga proseso at sistema,” saad ni Gov. Tan.

Iniaalay naman ni Gov. Tan ang parangal na ito para sa lahat ng mga Quezonian.

Dagdag pa niya, magpapatuloy ang ganitong klase ng serbisyo para sa tao.

Samantala, tumanggap din ng pagkilala ang bayan ng Pagbilao, Gumaca, Candelaria, Dolores, General Nakar, Real, Sampaloc at Mauban.

Scroll to Top