LINGAYEN, Pangasinan — Hitik sa makasaysayang pagbabago ang tatlong taong panunungkulan ni Governor Ramon V. Guico III.
Sa kanyang ikatlong State of the Province Address, iginiit niya na ito ay bunga ng magaling na pamumuno na pinagsikapang itaguyod ng Pangasinan Ang Galing Team.
Ipinagmalaki ni Guico sa kanyang ikatlong State of the Province Address (SOPA) ang mga makasaysayang‘first times’ na nagawa ng kanyang administrasyon sa loob lamang ng tatlong taon kaugnay sa kalusugan, edukasyon, imprastraktura, agrikultura, kalikasan, kabuhayan, pangangasiwa sa yaman ng lalawigan, revenue generation at social services.
“We have promised to do this and we succeeded, and we did not need 15 years to do it,” pahayag ng gobernador.
Para kay Governor Guico, hindi magiging matagumpay ang mga proyektong ito kung wala ang suporta ng Sangguniang Panlalawigan at 3.2 milyong Pangasinense.
Ayon kay Governor Guico, ipagpapatuloy niya ang galing ng Pangasinan. (PIMRO)