Street Journal Multimedia Services

P6.7-M shabu narekober sa karagatan ng Pamplona,Cagayan

PAMPLONA,Cagayan — Pinaiigting ngayon ng Cagayan Probincial Police Office ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga mangingisda sa mga coastal municipality, upang makapagbigay ng tamang impormasyon kaugnay sa mga narerekober na mga kontrabando sa karagatan.

Ito ay kasunod ng panibagong pagkakarekober ng isang mangingisda ng sa isang plastic na may lamang hinihinalang shabu sa karagatang sakop ng Pamplona, Cagayan, noong Agosto 17, 2024.

Batay sa ulat ng pulisya, habang nangingisda sa karagatang sakop ng Pamplona si Alyas Dencio, 50, residnete ng Barangay Bisagu Aparri, Cagayan ay nakita nito ang isang kahina-hinalang plastic na palutang-lutang sa dagat.

Nang buksan umano ni Dencio ay nakita ang hinihinalang shabu kaya agad siyang nakipag-ugnayan sa opisyal ng kanilang barangay at ipinagbigay-alam naman ito sa himpilan ng Aparri MPS, para sa kaukulang dokumetasyon at disposisyon.

Batay sa pagsisiyasat ng pulisya, aabot sa mahigit P6.7 milyon ang halaga ng naturang kontrabando na may timbang na 998.37 gramo.

Sinabi ni Capt. Shiela Joy Fronda, tagapagsalita ng Cagayan PNP ,na mahigpit ang direktiba ng pamunuan ng pulisya sa probinsya ng Cagayan kaugnay sa pakikipag-ugnayan sa mga mangingisda mula sa mga munisipalidad na malapit sa mga baybayin upang maturuan ng tamang kaalaman kapag may mga narerekober kahinahinalang bagay sa dagat.

Matatandaang una rito ay apat na insidente ng pagkakarekober ng mga plastik na may lamang shabu na palutang-lutang sa dagat na sakop ng bayan ng Sachez Mira, Abulug at daawang magkasunod sa Calayan ang naiulat.

Inihayag ni Fronda na ang mga mangingisdang nakarekober sa bayan ng Calayan ay nakatanggap naman ng pabuya mula sa Lokal na Pamahalaan ng Calayan habang ang mangingisdang nag-surrender din sa napulot na shabu sa bayan ng Abulug ay nakatanggap din ng pabuya mula sa 2nd Provincial Mobile Force Company, PNP Abulug at mula sa kanilang mga stakeholder. (By Cagayan PIO)

Scroll to Top