Street Journal Multimedia Services

Medical experts ng Pangasinan, pinalawig ang kaalaman sa pangkalusugan sa Stanford Hospital

LINGAYEN, Pangasinan — Ang programa sa repormang pangkalusugan para sa Pangasinan na na-visualize ni Gobernador Ramon V. Guico III ay inaasahang mapapalakas ng mga internasyonal na pakikipagtulungan.

Ito ay nabuo matapos ang Pangasinan contingents na binubuo ng iba’t ibang mga opisyal ng departamento at mga ekspertong medikal ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Provincial Administrator Melicio F. Patague II na makipag-usap sa mga opisyal at administrador ng Stanford Hospital sa isang dalawang araw na opisyal na pagbisita na nagsimula noong Nobyembre 7 sa California, USA.

“Kami ay nangangarap ng internasyonal na pakikipagtulungan para sa pagpapabuti ng sistema ng pangangalagang pangkalusugan sa lalawigan,” sabi ni PA Patague.

Ang pagpupulong, na inorganisa ng United Pangasinanes sa Amerika, ay bahagi ng mga aktibidad sa benchmarking ng lalawigan, na kinabibilangan ng mga talakayang pang-edukasyon kasama ang Urban Planning Council ng Daly City, California.

Sa ilalim ng pangangasiwa ni Gov. Guico, napabuti ang programang pangkalusugan ng lalawigan hindi lamang sa mga pasilidad at kagamitan sa ospital kundi sa teknikal na kaalaman ng mga healthcare providers ng lalawigan.

Kamakailan, inilunsad ng pamahalaang panlalawigan ang proyekto ng GUICOnsulta na may inisyal na pondo na P300 milyon.

Nakatuon si Gobernador Guico na tuparin ang kanyang layunin na maitala ang buong populasyon ng Pangasinan at gawing kanlungan ang lalawigan para sa pinakamalusog na populasyon.

Bilang karagdagang tulong, sinimulan ng pamahalaang panlalawigan ang pagbibigay ng cash incentives sa mga residenteng mag-a-avail ng programa.

“Walang dahilan para hindi tayo magpa check- up para sa preventive health care program of the province dahil dalhin niyo lang po sila sa mga ospital natin at sa mga barangay health station o mga RHU ng mga munisipyo at siyudad, bibigyan po namin sila ng pangkain at ng kanilang pamasahe. Hindi na po dahilan na hindi kami pwedeng magpa-check up dahil wala akong pamasahe at wala kaming pangkain,” pahayag ni Gov.Guico.

 

 

 

 

Scroll to Top