By Rachell Galamay -Cagayan PIO
Naniniwala si Governor Manuel Mamba na hindi malulutas ang problema sa malawakang pagbabaha na nanaranasan sa Cagayan kung hindi ito malalaman at makikita ng National Government.
Binigyang-diin ni Gob. Mamba na kinakailangang malaman ng National Government ang problemang mayroon ang Cagayan dahil sa patuloy na pagbabahang nararanasan sa lalawigan Cagayan matapos itong sunud-sunod na bayuhin ng mga nagdaang bagyo.
Nangangamba rin si Gob. Mamba na magiging decaying province ang probinsya dahil sa kakulangan sa polisiya at epektibong batas na tututok sa paglutas sa suliraning pangkalikasan.
“Problema ito ngayon, habang sinisira natin ang environment natin, habang hindi tayo nagkakaroon ng mga polisiya at regulasyon, habang wala tayong enforcement authorities na tututok dito, our province will become a dessert soon, this is where we are going. This is the reality, it will be a decaying province ang probinsiya natin, if we will not do something, if we will let the National Government know our problems this will end, yung nangyari sa Gonzaga, inilapit na natin sa DENR to investigate it,” pahayag ng Gobernador.
Nakikipag-ugnayan na rin si Mamba sa mga kinauukulan at national leaders upang mabigyan ng tamang solusyon ang mga problemang kinahararap.
Ayon kay Mamba, ang mga ginagawang pagsisikap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ay hindi para sa pansariling kapakanan nguni’t higit lalo sa susunod na henerasyon.
“I will thrive nations, I will thrive leaders about our problem, yung mga tao na who never surrender, who never stop initiating. What we are doing is to organize people, capacitate people, letting everyone know the problem [in our province] na hindi involve ang pulitika, problema lang. Because we are doing this not for ourselves, but for our children, for our future generations, haan nga mabalin nga ipatawid tayo daytoy nga klase iti rigat kadagiti annak tayu,” dagdag pa nito.
Siniguro din nito na patuloy ang ginagawang pagsisikap ng PGC upang matugunan ang pangangailangan ng mamamayan lalo na ang paglalaan ng pondo at mga proyekto upang mabigyan ng kapasidad ang bawat Local Government Unit (LGU) lalo na sa pagkontrol sa mga nararanasang localize flooding sa kanilang nasasakupan.
Samantala, hinikayat ni Gob. Mamba ang mga empleyado ng Kapitolyo ng Cagayan na gawin ang kanilang trabaho higit sa pagbibigay serbisyo sa mga mamamayan, dahil sa gobyerno lamang umaasa ang taong-bayan lalo na sa panahon ng pangangailangan.