Street Journal Multimedia Services

Barangay tumanggap ng parangal sa Lucena City

LUCENA CITY, Quezon- Itinanghal na Top 1 Best Performing Barangay ang Barangay 8 sa Lucena City nitong nakalipas na Pebrero.

Nakakuha ito ng average na 8.6 ayon kay Barangay Chairman Saymon Dy.

Bukod pa dito binigyan din ng pagkilala sa paghahatid at pagbibigay ng serbisyo sa tao tuwing araw ng Sabado at Linggo.

Ayon kay Dy simula noong Hunyo 2025 hanggang Pebrero 2026 ay nakapagbigay ang barangay ng 248 na serbisyo na may 701 na kliyente sa barangay sa araw ng Sabado at Linggo.

Nagpaabot ng pasasalamat si Dy sa Lucena DILG sa palaging gabay at suporta, ganon din kay Mayor Mark Alcala at Vice Mayor Dondon Alcala sa walang sawang pagtulong at pag-alalay sa aming Barangay.

Ang nasabing parangal ay isang patunay na kahit kailan ay hinding hindi na muli mahuhuli at mapag-iwanan ang Barangay 8, pagtiyiyak ni Dy.

 

 

Scroll to Top