Maituturing na raw na “endemic” ang vote-buying sa Pilipinas matapos ang National and Local Elections (NLE) 2025, ayon sa European Union (EU) Election Observation Mission.
Sa ginawang pananalaksik ng grupo na pinangunahan ng kanilang deputy chief observer na si Manuel Sanchez de Nogues, kabilang sa mga lugar sa bansa na naging talamak ang vote-buying sa nakalipas na eleksyon ang mga probinsiya ng Davao Oriental, Bohol, La Union, Palawan, Quezon, Siquijor, Zamboanga City, at Zamboanga del Sur provinces.
Ayon pa kay de Nogues, marami aniya silang natanggap na report na pamimigay ng pera, ayuda o goods tulad ng pagkain na maituturing na vote-buying sa panahon ng eleksyon.
Itinuturing naman ang matinding kahirapan sa bansa na siyang ugat ng malawakang pagbili ng boto sa Pilipinas.
Bukod sa talamak na vote-buying, na obserbahan din ng European Union Election Observation Mission na ang mga pamilyang nasa politika ang nangingibabaw sa lokal na halalan.
Pinuri naman ng European Union (EU) Election Observation Mission ang mataas na voter turnout sa bansa sa naganap na eleksyon 2025. (Reden Delos Santos)