By Romy Gonzales
BANGUED, Abra – Nagsanib puwersa ang inaasahang progreso sa lalawigan ng Abra, sa katauhan nina La Paz Mayor Joseph Bernos at dating Governor Eustaquio ‘Takit” Bersamin, makaraang maghain ng kanilang Certificate of Candidacy para sa 2025 elections, noong Oktubre 6.
Si Bernos sa ilalim ng Lakas-Christian and Muslim Democrats, ay kandidato bilang Congressman, samantalang si Bersamin, na matagal ding nagsilbing gobernadora at kapatid ni Executive Secretary Lucas Bersamin, ay muling kandidato sa pagka- Gobernador.
Si Bernos ay naging mambabatas para sa dalawang termino mula 2016 hanggang 2019 at 2019 hanggang 2022 bago tumakbo bilang alkalde noong 2022.
Kandidato din ang pamangkin ni Takit na si dating provincial board member Anne Bersamin para sa bise gobernador.
Binanggit ni Eustaquio, isang dating gobernador ng Abra, si Bernos at ang kanyang asawa, Rep. Menchie Bernos, para sa kanilang mga pagsisikap para sa mga tao ng Abra. “Isang karangalan ko na makasama ang kanilang koponan.”
“With our tandem, Abra will become the most improved province in the Cordillera and the whole Northern Luzon,” pahayag pa ni Takit.