Street Journal Multimedia Services

Small seeds, big change, greener Pangasinan

 

BUGALLON, Pangasinan — Bilang suporta sa Green Canopy Program ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gov. Ramon V. Guico III, pinangunahan ng Provincial Disability Affairs Office ang pagtatanim ng mahigit 200 fruit-bearing tree seedlings sa Brgy. Gueset, Bugallon, ngayong araw, September 30,2025.

Katuwang sa aktibidad ang mga Persons with Disability mula sa iba’t ibang barangay sa bayan ng Bugallon. Patunay ang aktibidad na ito na malaki ang papel ng mga PWDs sa Pangasinan para makamit ang mas malinis, mas maayos at mas luntiang probinsya.

(Eira Gorospe | PIMRO)

Scroll to Top