Street Journal Multimedia Services

San Vicente-Malaya Farm-to-Market Road sa General Luna, kompleto na

 

GEN.LUNA,Quezon — Sa ilalim ng pamumuno ni Gov. Doktora Helen Tan, nakompleto na ang San Vicente-Malaya Farm-to-Market Road sa bayan ng General Luna.

Mula sa nasimulang proyekto ng Philippine Rural Development Project (PRDP), sinikap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon na tapusin ang kalsada sa kabila ng kakulangan sa pondo.

Ang farm-to-market road na ito ay may habang limang (5) kilometro na lubos na mapakikinabangan ng pitong barangay; San Vicente, San Nicolas, Sumilang, Nieva, Recto, Magsaysay, at Malaya.

“’Yung trade of course, mabilis na nilang mailalabas ang produkto nila. And imagine mo dati naglalakad kayo [mga residente] ganu’n kalayo,” saad ni Gov. Tan.

Mapapagaan din ang byahe dahil magko-konekta ang kalsada na ito sa mga bayan ng Catanauan at Lopez.

Dagdag pa ng Gobernadora, malaking tulong ang pagpapaikli ng oras ng biyahe sa mga batang nag-aaral at sa mga may sakit na residente.

 

Scroll to Top