Street Journal Multimedia Services

Quezon PPO nakahanda sa pagtulong sa harap ng bagyong Opong

QUEZON, Philippines– Bilang tugon sa nakaambang pananalasa ng Bagyong Opong, tiniyak ng Quezon Police Provincial Office na ang kanilang mga tauhan na nakatalaga bilang Reactionary Standby Support Force (RSSF) ay handang magbigay ng agarang tulong at serbisyo sa publiko.

Ang mga naka-standby na RSSF personnel ay nakahandang magsagawa ng rescue operations, evacuation assistance, at relief distribution bilang suporta sa mga local government units at iba pang ahensya.

Patuloy namang nananawagan ang Quezon PPO sa publiko na makipagtulungan, sumunod sa mga paalala ng kanilang mga lokal na pamahalaan, at maging mapagmatyag sa kanilang komunidad upang sama-samang malampasan ang banta ng Bagyong Opong. PIO Quezon PPO

 

Scroll to Top