Street Journal Multimedia Services

Quezon Governor naghain na ng COC

Pormal nang naghain ng Certificate of Candidacy ngayong araw, Oktubre 3 si Governor Doktora Helen Tan para kumandidato bilang Gobernador sa gaganaping Eleksyon sa 2025.

Binigyang-diin naman ni Gov. Tan ang hangarin na maipagpatuloy ang kanyang sinimulan na Tunay, Mahusay at responsableng pamumuno para sa kagalingan at kaunlaran ng lalawigan ng Quezon.

Samantala, kasabay ring naghain ng kanilang pagkadidato ang iba pang mga opisyal sa lalawigan tulad nila Vice Governor Third Alcala, 1st District Congressman Mark Enverga, 3rd District Congressman Reynan Arrogancia, 4th District Congressman Atorni Mike Tan, at Doc Kim Tan.

Scroll to Top