LINGAYEN, Pangasinan- Sa pamumuno ni Gov. Ramon V. Guico III, ang Lalawigan ng Pangasinan ay patuloy na kinikilala sa pagtanggap nito ng iba’t ibang parangal at citation sa larangan pagpupunyagi.
Kamakailan lamang, ang Pangasinan ay kinilala bilang top performing province sa Rehiyon 1 para sa pagkamit ng pinakamataas na average sa pagtaas ng taxable assessed value sa loob ng tatlong magkakasunod na taon.
Sa pamamagitan nito, isang Certificate of Achievement ang iginawad sa lalawigan ng Bureau of Local Government Finance bilang pagkilala sa pagsisikap ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Assessor’s Office (PAO), na malaki ang naiambag sa pagtatamo ng lahat ng mga programang pangkaunlaran ng local na pamahalaan.
Sinabi ni Atty. Geronimo M. Abad, Provincial Assessment Office (PAssO) Chief, ang parangal ay sama-samang pagsisikap ng Provincial Assessor’s Office, Municipal Assessor’s Office, at ng buong Assessment Service ng lalawigan.
‘So, collective ang award na ito, effort ng buong assessment service sa probinsiya, Provincial Assessor’s Office at Municipal Assessor’s Offices ng lahat ng munisipyo ng probinsiya. Inspired po ulit tayong magtrabaho para ma-maintain natin yung ganitong drive dahil ang turnout nito is increase ng taxes, revenue collection.’
Ginanap ang awarding sa Eastwood Richmonde Hotel, Quezon City, noong Nobyembre 27, 2024.