TUBA, Benguet — Dalawang tauhan ng Philippine Air Force ang nasugatan matapos bumagsak ang sinasakyang fixed-wing training aircraft sa isang masukal na lugar sa Mount Cabuyao, Barangay Poblacion, bayan ng Tuba, noong Mayo 20.
Ayon kay Lt. Col. Roy Calulot, spokeprson ng Police Regional Office-Cordillera, nakilala ang isa sa mga biktima na si 1Lt Ruth Angelique R. Pasos, ng Philippine Air Force, habang ang kasama nitong naka-unipormeng lalaki ay hindi pa nakikilala na miyembro din ng PAF.
Ayon kay Calulot, ang pagbagsak ng eroplano sa hindi pa malamang dahilan ay may tail No.10-39, na napag-alamang isang eroplanong pang-training ng PAF SF260 na tumatakbo sa ilalim ng call sign na “COUGAR DELTA 1”
Naganap umano ang insidente na nakita ng mga naninirahan sa ang pagbagsak nito dakong alas 10:20 ng umaga at naiulat sa pulisya dakong alas 11:40 ng tanghali.
Agad na nag-responde ang mga tauhan ng Tuba Municipal Police Station, Baguio City Police Office Station 10, Bureau of Fire Protection-Tuba, at Tuba Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office , matapos itawag sa kanila ang Barangay Chairman ng Poblacion sa nakitang agbagsak ng eroplano.
Pagdating sa lugar, ang isang kulay abo, puti, at orange na eroplano ng gobyerno na may logo ng Philippine Air Force sa bahaging masukal na bahagi ng Mt. Cabuyao.
Sinabi ng mga awtoridad na ang eroplano ay naunang lumipad mula sa Basilio Fernando Air Base sa Lipa City, Batangas. Ang huling lokasyon nito na minomonitor ay iniulat na mga dalawang nautical miles hilagang-kanluran ng Loakan Airport sa Baguio City bago nawalan ng komunikasyon.