Street Journal Multimedia Services

Pabahay isinusulong ngayon sa Pangasinan

LINGAYEN,Pangasinan – Habang patuloy ang pamamayagpag ang Guico+Konsulta ay pinagtibay ngayon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa pamumuno ni Governor Ramon Guico,III at ng Pag-IBIG Fund ang mga programang pabahay sa lalawigan.

Prayoridad na mabigyan ng pabahay ang mga job order employees ng kapitolyo at mga informal settler.

“Ang panata po ni Gov. Mon-Mon, ang pinakamataas na klase ng serbisyo publiko ang ibigay sa nasasakupan.Kami dito, handang makipagtulungan sa PAG-IBIG upang gawing magaan ang obligasyon sa bayarin ng ating mga benepisyaryo. Kami ay nag-iisip ng kaparaanan para mabago yung mukha ng serbisyo publiko dito sa lalawigan ng Pangasinan. Please make it happen,” pahayag ni Provincial Administrator Melicio Patague II.

Ibinahagi naman ni Pangasinan Housing and Urban Development Coordinating Office (PHUDCO) Head Engr. Alvin Bigay ang iba pang proposed housing projects sa probinsya.

Kabilang dito ang 100-unit Luyag Residences na balak itayo sa Parayao, Binmaley at housing project sa Umingan malapit sa itinatayong Umingan Super community Hospital.

Ilan sa mga tinitignang programa ang Countryside Housing Initiative, Rental Housing Construction Loan, at End user financing.

Binibigyan nito ng pagkakataon ang mga benepisyaryo na magkabahay dahil sa subsidiya at mas mababang amortization.

Dumalo sa pagpupulong sina PAGIBIG Member Services Cluster Deputy CEO Atty. Marcial Pimentel, Business Development Group Officer Annalyn Daw-as, Luzon Group Vice President Perlacita Roldan, Ilocos Region Area Head Meriam Pamittan, Loans Origination Chief of Divisions Ferdinand Jacildone, at iba pang miyembro ng PAG-IBIG Business Development at Marketing Group.

Matatandaang nilagdaan noon ang kasunduan sa pagitan ni Gov. Guico III at ng Department of Human Settlements and Urban Development upang matulungan ang mga Pangasinenseng walang maayos na tirahan.

Noong July 2024, 68 indibidwal ng Palaris, Poblacion, Lingayen ang nailipat at nabigyan ng bahay sa Aplaya West Resettlement Site. (Ulat mula kina Danna Laureano, Krizzia Mamaril |PIMRO)

 

Scroll to Top