ALCALA, Pangasinan – Pinangunahan ni Governor Ramon V Guico III, ang groundbreaking ceremony ng bagong proyektong pang-kalusugan na Alcala Community Hospital, bilang pangako na mapangalagaan ang kalusugan ng bawat Pangasinense.
Ang Alcala Community Hospital na may 50 bed capacity, na popondohan ng provincial government ng P250 milyon ay pang-labinglimang community hospital na naitayo sa ilalim ng Guico administration.
Ang apat na palapag na Alcal Community Hospital na maitatayo sa bahaging lupa ng Alcala LGU na may sukat na 3,000 square meters ay lalagyan ng elevator upang hindi
hindi mahirapan ang mga pasyente lalovna ang mga senior citizen.
Magkakaroon dito ng mga clinical laboratory, dialysis center, operating room, delivery room, Diagnostic center para sa Ultrasound, X-rays, CT scan at iba pa.
Sa proyektong to ay katuwang si 5th District, Representative Ramon Monching Guico Jr.
Hangad din ni Gov.Guico na makapagtatag ng Pangasinan Heart Center, Pangasinan Lung Center, Pangasinan Kidney Center at iba pangspecialty hospital upang hindi na mahirapan pang magtungo sa Manila ang mga pasyente na magmumula sa lalawigan.
Ang ground breaking ceremony ay dinaluhan ni 5th District Congressman Ramon Monching Guico Jr, Vice Governor Mark Lambino, BM Nicholi Jan Louie Sison, PHMSO OIC Dr Vivian Villar Espino, Bayambang District Hospital ChiefDr. Tracy Bitoy, 5th District Consultant Jesus Isong Basco, LGU Officials sa pangunguna ni Mayor Jojo Callejo at mga barangay official. (Terry Aquino, Gian Carlo Milanes)