Street Journal Multimedia Services

Maan Guico,personal na binisita ang centenarian ng Urdaneta City

Isang makasaysayang okasyon sa buhay ni Nanay Ignacia Surop Tamayo, ang maabot niya ang edad na 100 o’ ang pagiging centenarian at kilallanin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa pamumuno ni Governor Ramon Guico III, sa kanyang tatag at kahanga-hangang lakas.

Ang Sertipiko at cash incentives ay personal na iniabot ni Maan Guico, asawa ng Gobernador, na kilalang may serbisyong may puso para sa mga kababayan nito sa Urdaneta City.

Labis ang tuwa ni Nanay Ignacia, ng San Vicente,Urdaneta City, na personal niyang makita at mahawakan si Maan Guico.

Bukod sa cash incentives, ipinagkaloob din ang food packs at hygiene kits kay Nanay Ignacia bilang tulong ng Pamahalaang Panlalawigan.

Ayon kay Maan, ang tuwa at ngiti ng ating mga kababayan ang nagbibigay-inspirasyon sa atin upang patuloy na maghatid ng serbisyong may puso para sa mga ka-siyudad natin sa Urdaneta!

Nakasama natin sa pagbisita sina 5th District BM Nicholi Jan Louie Sison, BM Chinky Perez-Tababa, Political Consultant Jesus Isong Basco, at Brgy. Captain Toning Perez ng Barangay San Vicente.

 

 

Scroll to Top